Chapter 27

247 13 1
                                    

(A-Ches's P.O.V.)

Nang makaalis na si Sir.Park ay hinarap ako ni Sir.Min sa kanya

"Hindi ba sinabi ni Namjoon sa iyo na huwag pumunta rito?" Tanong nya, umiling ako, napahawak naman sya sa noo nya

Ang hot ni Sir pag inis. Hoy!

Tinampal ko ang sarili.

Huwag iyan hoy! BhOuzXX mo iyan!

"Muntik na tayo kanina," sabi nya

"Hindi ko naman po ibo-broadcast iyon!" Sabi ko

"Sir.Min, anong palusot ang sinabi nyo kay Baby?" Tanong ko, tinalikuran nya lang ako at lumakad paalis

"Basta ako na bahala doon," sabi nya, sinundan ko lang sya

Napatingin ulit ako sa larawang malaki at napangiti nang makita ang mukha nya noong bata pa sya.

"Ang cute nyo talaga rito Sir," sabi ko, napalingon tuloy sya

"Ano pang ginagawa mo, nauubos na ang oras mo para maghanda," sabi nya

Pero ang layo pa ng bahay ko...

Napatingin ako sa frame ng Baby Jin ko.

Ang guwapo niya talaga! Teka, ano bang gagawin ko?

Saglit akong natahimik dahil sa pag-iisip kung anong gagawin

"A-Ches," tawag nya, napatingin agad ako

"Halika," sabi nya

"Saan sir?" Tanong ko

"Malalaman mo rin," sabi nya at hinila ako paakyat sa kuwarto nya, ohmaygas...

"Maghintay ka lang diyaan at magpapalit lang ako ng T-Shirt," sabi nya, naka polo kasi sya

May pinuntahan ba sya kanina?

Kumuha sya ng T-Shirt at nagulat ako nang tanggalin nya isa-isa ang butones ng polo nya

What's happening to the Earth!?

"A-Ahm Sir," tawag ko

Dito ba talaga sya magbibihis!?

Huminto sya saglit at tumingin sa direksyon ko ng walang ekspresyon

"Kung ayaw mong makita, pumikit ka, tumalikod ka o kaya lumabas ka," sabi nya at tumingin ulit sa salamin at hinubad ang polo nya

Ewan ko ba sa sarili ko at wala akong ginawa sa sinuhestiyon nya

Para akong tanga na naghihintay sa kung anong meron sa loob ng sando nya

"A-Ches, matunaw ako," sabi nya

"Ang tagal mo Sir, bilisan mo na!" Biro ko, napangiti sya, bwisit, why is he hot and cute at the same time!?

"Haha, iba ka rin pala," sabi niya at hinubad ang sando nya

Shocks! Ang cute ng baby abs nya!

Mabilis niyang isinuot ang T-Shirt at tumingin sa akin

"Ano, busog ka na?" Biro nya, hindi sya nakangiti pero kita sa mata nya ang kalokohan

Ang cute ng side ni Sir na ganito! Kainis, crush ko na rin sya huehue!

"Tsk, hindi eh, baby meal," biro kong tugon

"Kaysa naman doon sa isa," anas nya

"Si Baby Jin?" Tanong ko

"Asa ka," sabi nya

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon