Chapter 35

227 13 0
                                    

(TaeHyung's P.O.V.)

Huwebes... Nagbibilang nanaman ako ng araw...

"Pumunta ka sa kliyente natin mamaya, mukhang maganda ang idea na ipinakita nya sa akin sa email," sabi ni Papa habang nag-aayos ng kuwelyo

"Ngayon na ako aalis," sabi ko at umakyat na sa kuwarto upang magbihis

Napapailing pa rin ako kapag naaalala ang usapan namin kagabi at ang biglaang pagtawag ni Sanyel.

"Sinong kausap mo!?" Galit nyang tanong

"Si Sanyel," sagot ko, kumunot naman lalo ang noo nya

"Bukas, pumunta ka sa bagong kliyente natin," sabi nya at iniabot sa akin ang isang folder at umalis

Tinignan ko naman ito at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ng kliyente.

Min Yoongi...

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Hindi... Hinding-hindi ako magiging katulad niya...

Kinuha ko na ang gamit ko at umalis sa bahay na mistulang naging kulungan ko sa apat na araw...

~~~~~~~~~~~~

8:00am, nakarating na ako sa pagkikitaan namin ni Sir.Min, ay hindi, ni Min Yoongi.

"Sir, this way po," sabi ng isang babae, sinundan ko naman sya at pumasok kami sa isang malaking kuwarto na may nakahanda nang dalawang upuan sa magkabilang dulo ng lamesa.

Naupo ako doon at naghintay. Maya-maya ay bumukas muli ang pinto.

"Sir, I am very sor-" napahinto sya sa pagsasalita nang magtama ang tingin namin

Ang mata nya ay namumugto na parang galing lang sa pag-iyak, mukha syang puyat at tulala. Marahil ay dahil sa pagtatalo nila ni A-Ches.

Nagsara nalang ang pinto pero nakatulala pa rin siya.

"Good Morning Mr.Min," pormal kong bati, napakunot naman ang noo nya

"Ikaw si Kim Taehyung diba, anong ginagawa mo rito?" Tanong nya

"I'm here for my client, you," sagot ko

"Don't kid around, I'm serious," sabi nya, tinitigan ko lang sya

"T-Teka, kaya ka ba nag-leave dahil?"

I'm glad he realized...

Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko.

"Good Morning Mr.Min, Kim TaeHyung, the son of the CEO of ST Company," bati ko

(Yoongi's P.O.V.)

Ang sama ng gabi ko
Ang sama ng tulog ko
Ang sama ng gising ko

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon