(Tae Hyung's P.O.V.)
Nakabalik na ako sa event para ayusin ang ibang gulo na naiwan namin dito. Dinagsa ako ng mga reporter at klinaro ko naman sa kanila ang lahat.
Now that I have already revealed it, there's nothing to hide...
Nilingon ko si A-Ches na seryoso ang mukha habang kausap niya si Jungkook, nakita ko rin si Sammy sa di kalayuan kaya sya nalang ang nilapitan ko.
Sammy
"T-Taehyung!" Bati nya nang makita ako
"Ang dami kong naririnig na opinyon sa kung kani kaninong tao," sabi nya
"Hindi talaga iyon maiiwasan Sammy, napakalaki ng mga kompanyang nadawit sa ganitong issue," sagot ko
"Hindi ko nga mapaliwanag iyong nararamdaman ko ngayon eee," sabi nya kaya bahagya akong napatawa
"Hindi nga ba?" Tanong ko, napatingin sya sa akin nang may pagtataka
"Parang may naaalala akong sitwasyon nang dahil sa gulong ito, pero kailangang harapin ko muna itong nagpapagulo lalo ng isip ko," sabi ko
"H-Huh?" Ang tanging nasabi nya, naguluhan din siguro sya sa sinabi ko
"Ang sinasabi ko lang, sana lahat ng tao hindi nang-iiwan," sabi ko
"Hindi kita maintindihan," sabi nya sa akin, nakangiti sya pero bakas ang pagtataka sa mukha
"Ang gulo ko ba kausap?" Natatawa kong tanong
"Ngayon lang ata," sagot nya
"Sammy," tawag ko
"Bakit?" Tanong nya
Tinignan ko sya ng maigi. Mata sa mata, nakikiusap na magkaroon kami ng pagkakaunawaan.
"Kung may kaibigan kang mahal na mahal mo tapos nagiging masama yung ugali, anong gagawin mo?" Tanong ko
"Saan mo naman napulot iyang tanong na iyan?" Tanong ko
Inaalala ko lang si Han Yeok...
"Basta sagutin mo nalang, masyado na kasing gumugulo sa isip ko iyong tanong na iyan eh," sagot ko
"Ah, may nagtanong rin sa iyong iba?" Tanong nya, napatingin ako lalo sa kanya
"O-Oo," sagot ko
"Kung ako iyon- Siguro baka- Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko, ikaw ba, anong sagot mo?"
Tumingin nalang ako sa lapag at ngumiti ng mapait. Napailing ako bago ko sya tignan ulit.
"Hihintayin ko nalang rin ang magiging sagot mo Sammy," sabi ko bago lumakad palayo sa kanya
(Han Yeok's P.O.V.)
"Han Yeok,"
"Han Yeok, ok lang iyan,"
"Hindi iyan ok pero magiging ok ka pa rin,"
"Ano ka ba Kuya!"
"Totoo naman kasi eh!"
Kung ano ano na ang pinagsasasabi ng dalawang ito pero hindi ko pa rin magawang ngumiti dahil sa mga naganap kanina.
Tila lalong lumamig ang hangin sa gitna ng pag-iisip ko. Lalong dumilim habang naglalakad kami sa tahimik na kahabaan ng daan pauwi sa amin.
"Han Yeok," huling tawag ni Somin, tinignan ko sya at tinaasan ng kilay
That's right, fake your mood to avoid attentions...
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...