Chapter 23

259 14 3
                                    

(Jimin's P.O.V.)

"Nasaan na iyon?" Tanong ko sa sarili nang makarating na ako sa restaurant

Pumasok ako sa loob at tumingin tingin sa paligid

"Reserved table #3?" Tanong ko sa isang waiter, yun ang sabi ni Yoongi eh, itinuro ng waiter ang daan papunta doon

Pagkarating ko doon ay may nakaupong babae

"Excuji-min," biro ko sa excuse me, tumingala naman sya para tignan ako

"Oh?" Napataas ang kilay ko nang makita ang mukha nya

Anong ginagawa nito rito?

"Ikaw pala, wrong table ka ata," sabi ko habang nakangiti

"Sino ka? Baka ikaw ang wrong table, duh~," sabi niya ng pataray

Hindi niya ako naaalala?

"Pero ni-reserve ito ng pinsan ko dahil ililibre nya raw ako," sabi ko na nakangiti pa rin

Paniguradong kasama nila si Ms.Park pero nasaan sila ni Yoongi?

"Duh~ asaan yung pinsan mo? Tsss," sagot niya

Ang sungit naman pala niya, kaya siguro inatake last time

"Oh, Sir.Park!" Biglang dumating sila Ms.Park at Yoongi

Sayang pinagtitripan ko pa iyong kaibigan nya eh

"Sir.Park?" Ulit nya

"Oo, pinsan ni Sir.Min," sagot ni Ms.Park, napakunot-noo tuloy yung babae

"Hindi mo ba naaalala? He helped you nung inatake ka sa Fashion Show," dagdag ni Ms.Park

"Weh!?" Bulalas nya

"Oo nga!" Sagot ni Ms.Park, tinignan nya ako

"Salamat pero duh~ bakit hindi mo sinabi sa akin, pinagtitripan mo ba ako?" Tanong nya

"Hindi ah, asa ka," natatawa kong sagot

"Hindi ako umaasa sa mga ugaling aso," sabi niya

Parang hindi ko tinulungan kung makapagsalita ha!

"Hoy Yoongi, ano na, ililibre mo pa ako, nakatahimik ka lang dyan," sabi ko

"$U6@60," sagot niya

"Bad!" Sabi ng dalawa

"Ice cream!" Sabi ni Ms.Kim

"Halika na," sabi ni Yoongi

"H-Hoy teka," tawag ko

"Pinaalis mo ako sa DayBar para lang sa ice cream?" Tanong ko

Tinignan nya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad

Wow... Yoongi...

(Sanyel's P.O.V.)

Ice cream, chocolate o chicken lang naman kasi ang nakapagpapagaan ng pakiramdam ko eh

Bakit ba kasi kailangang umalis ni Kuya eh...

Tumingin ako sa iba't ibang flavor ng ice cream

Tsk, ang sasarap titigan!

Buti nalang na-cancel yung meet-up ni Sir.Min kaya parang day off na rin talaga naming lahat

"Sir, ito masarap ito!" Rinig kong tawag ni A-Ches kay Sir.Min, tumingin ako sa kanila, naka poker face pa rin si Sir.Min

Kinulit sya ni A-Ches, natawa nalang ako sa reaksyon ni Sir.Min

Tinignan ko ulit ang mga ice cream

"Nag-suggest ka ng Ice Cream party pero di ka kumukuha," sabi ng pinsan ni Sir.Min na may kagat-kagat na ice cream

"Di baman kasi mapapalitan ng ice cream lang ang ano," bulong ko sa sarili

"Ano bang favorite mo?" Tanong nya

"Kahit ano," sagot ko

"Hawakan mo'to," sabi niya at inabot ang ice cream nya sa akin

"Matunaw to!" Reklamo ko

"Di iyan, saka sayo naman tutulo hindi sa akin," nakangiti nyang sagot

Sira-ulo...

"Alam mo, gusto ko rin ang matatamis," sabi nya at kumuha ng cone at ice cream

"Tumutulo na yung ice cream mo," reklamo ko

Bago pa man dumapo sa kamay ko ang natunaw na ice cream ay kinuha nya na ito at nagkatitigan kami sa gulat

"Sorry," sabay naming paumanhin

"Wow, mas natutunaw pa ata kayo kaysa sa Ice Cream eh, hahaha!" Pang-aasar ni A-Ches habang tumitingin ng ibang tinda doon

"Ito oh, chocolate caramel ala Jimin," sabi nya at inabot sa akin ang ice cream

"Haha, salamat," sabi ko at ninamnam ko ang ice cream, nakakapagpagaan talaga ito ng pakiramdam

Bago kami umupo ay kumuha kami ng malaking tasa na may assorted ice cream flavors

"Lakas nyo kumain!" Reklamo ni Sir.Min

"Kayo naman magbabayad eh," sagot ni A-Ches habang kumakain

"Reklamo mo Yoongi, ngayon mo nga lang tinupad pangako mong libre, sa ice cream parlor pa," sabi ng pinsan nya

"Atleast nalibre kita," sagot ni Sir.Min

"Sir, nasaan kaya yung baby ko?" Bulong ni A-Ches kay Sir.Min

"A-Ches," saway ko, ngumiti lang sya, abnormal talaga ito minsan

"Nga pala Jimin, si Ms.Kim, employee ko rin sya," sabi ni Sir.Min

Masyado nang late para ipakilala nya ako

"Oo nga, siya yung tinutukoy kong employee tapos naiinis ka dahil akala mo si Ms.Park haha!" Tumatawang sagot ng pinsan nyang si Jimin

"Huh, ano iyon?" Tanong namin ni A-Ches

"$U6@60 ka Jimin at iyang trip mo," sabi naman ni Sir.Min

"Hahaha! Sorry na, natatawa lang ako sa iyo eh, ang cute cute mo," sabi ni Jimin at pinisil ang pisngi ni Sir.Min, hinampas naman yun ni Sir ng sobrang lakas

"$U6@60!" Sigaw ni Sir sabay batok sa kanya kaya nagtawanan kami

(A-Ches's P.O.V.)

Nang matapos kumain at magpakabusog sa ice cream parlor ay lumabas na kami

"Hooo, busog," sabi ko, nilingon ko si Sanyel, mukhang nagkakasundo na sila ni Sir.Park

"Hoy," tawag ni Sir.Min

"Bakit po?" Tanong ko

"Makatingin ka kay Jimin, baka iyan naman pag-isipan mo," sagot niya

"Luh, loyal ako kay Baby Jin... Na hindi, hahaha," sagot ko

"Salamat sa pagsama at pasensya na rin," sabi niya

"Sir," tawag ko

"Bakit?" Tanong niya

"Yung hinihiling kong moment #2 with your kuya, kailan po?" Tanong ko, eeee! Kinikilig ako!

"Ahhhh, hindi ko pa alam," sagot nya

"Pero nagkasundo tayo last time na magkakaroon kami ng secret date!" Reklamo ko

"Hindi sya puwede ngayon," sagot nya

"Ano ba iyan," pabulong kong reklamo

"Ms.Park," sita nya

Dahil mukha syang seryoso, sumunod nalang ako

📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝

End Of Chapter 23

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon