Chapter 46

178 7 10
                                    

(Sanyel's P.O.V.)

"Kainan na!" Sigaw nila Joo Young at Yoseob nang maglunch break na

"Sanyel sama ka sa'min," aya ni Sammy

Wala kasi si Kuya ngayon dahil may inasikaso sya sa kompanya ng mga magulang namin or should I say mga magulang NIYA.

"Sige, bili nalang tayo dyan sa JJ," sagot ko at lumabas na kaming tatlo

Tinignan ko naman si Jungkook na nakaakbay kay Sammy habang naglalakad kami.

"Ehem! pang third wheel lang ba ako dito?" Pang-aasar ko sa kanila

"Hala? Hindi ah!" Sagot ni Sammy na inalis ang pagkakaakbay ni Jungkook

"Haay! Kinikilig ka naman sa akin, ayaw pang umamin!" Sabi ni Jungkook kaya natawa ako

"Ang lakas ahh!" Sabi ko habang nagtatawanan kami

"Sobra, sobrang lakas ng hangin nito," pagsang-ayon ni Sammy

"Kabag na ba?" Tanong ko

"Utot na!" Sagot nya kaya lalo akong natawa

"Grabe kayo sa akin ha, pare parehas lang naman tayong kinakabag at umuutot ah?" Natatawang saad ni Jungkook

"Pero kakaiba yung sayo Che!" Sabi ni Sammy, pumasok na rin kami sa JJ's Café nang makarating na kami doon

"Kaw na mag-order mag-isa mo!" Kunwari'y pagtataray ni Sammy kay Jungkook

"Lagi namang ako ang nag-oorder ah! Bahala kayo!" Natatawang sagot ni Jungkook kaya hinampas namin sya

"Sige na sige na," pagsuko nya saka pumila sa counter

Nagpunta naman kami ni Sammy sa paborito naming table sa may glass window.

"Sammy," tawag ko sa kanya nang tignan ko sya

"Bakit?" Tanong nya

"Crush mo ba si Jungkook?" Tanong ko, natawa naman sya

"Ayan? Hindi noh!" Sagot nya

"Hindi nga?" Tanong ko, napangiti naman sya

"Hoy, there's no reason to lie to me ha," sabi ko at sumandal sa upuan

"Ok ok, onti lang, ayan ok ka na?" Sagot nya habang tumatawa

"Ay weh?" Gulat kong sambit

"Itatanong mo tapos di ka maniniwala, sira ka talaga," sabi nya habang nakangiti

"Wala, sabi na eh, akala nga namin kayo na kaya-"

Woops! Muntik na!

"Kaya ano?" Tanong nya

"Kaya- Kaya inaasar namin kayo," sagot ko, napailing naman sya

"Wala namang magkakagusto sa akin San," sagot nya

Kung alam mo lang Sammy...

"Eh si Kuya mahal mo pa ba sya?" I asked out of nowhere kaya nasamid sya kahit na wala pang iniinom

"Ay! Oh, oh! Tubig!" Sabi ko at inabot sa kanya ang dala kong tubig, agad naman nyang ininom iyon

"Sa- ehem! Salamat!" Sabi nya nang makabawi na, nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan namin kaya agad ko rin iyong binasag

"Sammy, sagutin mo sana iyong tanong ko," sabi ko sa kanya

"S-Sanyel, ano ba naman kasi iyang tanong mo eh," sabi nya

"Two timer ka kasi hahaha!" Biro ko, nginitian nya lang ako

"A-Ayoko na sana kaso hindi ko talaga sya maalis sa puso ko, haha, ang corny noh?" Sabi nya, ako naman ang ngumiti at hinawakan ang palad nya

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon