Chapter 7

728 25 7
                                    

(TaeHyung's P.O.V.)

"Sir!" Tawag ni Manager Jung sa harap namin

Nang inayos niya ang kuwelyo niya ay saka lang namin napansin ang nakalagay sa damit niya

"Ahhh," napatingin ako kay Sanyel

"Baby!" Sigaw ko at pinaupo siya agad sa upuan ko

"Anong nangyari!?" Tanong ng lalaki, agad namang lumapit si Sammy at minasahe sa palad si Baby para pakalmahin

"Sir, magiging ok rin siya pero bakit po nandito kayo?" Tanong ni Manager Jung na nakatingin pa rin sa amin

"Sigurado ka ba?" Tanong niya na mukhang nag aalala naman

"Opo, sa office nalang po tayo mag usap," sabi ni Manager Jung na lumapit at tinapik ako

"Ingatan niyo," sabi niya at lumabas na sila, tumango lang ako

"Duhhh, Sammy, anong ginagawa mo!?" Sabi ni Han Yeok nang makalapit sa amin, baka gusto niyang paliparin ko siya!?

"Tinutulungan ko lang sila," sagot ni Sammy

"Baby, ok ka na ba?" Tanong ko, tumango siya

"Pero bakit ang CEO," sabi niya

"Siya nga ang CEO," bulong ni Sammy na minamasahe parin ang palad niya

Nang kumalma si Baby ay bumalik na siya sa puwesto niya

"Sandali," hinawakan ko ang kamay ni Sammy para pigilin siya

"Salamat," sabi ko at ngumiti nalang sya

Ang kulit kasi ni Baby eh, ayan tuloy

"Ang kulit mo kasi Baby eh," sabi ko

"Ewan!" Mataray niyang sagot at sumandal sa upuan niya

"Mukhang hindi ka pa ata ok eh," sabi ko at nilapitan siya

"Kuya~," pabulong at naiinis niyang sabi

"Baki~t?" Pabiro kong panggagaya



May tinapos lang kaming data and files sa computer at hinintay nalang namin ang oras ng labas namin


"Out na tayo Baby, 5:00 na," sabi ko

"Sige," sagot niya

Naramdaman ko namang nag vibrate ang phone ko at nakitang tumatawag si A-Ches

"Hello?" Sagot ko

"Nandito ako sa JJ's Café, asaan kayo?" Tanong niya

"Pababa na kami," sagot ko at nag out na kami ni Sanyel


(A-Ches' P.O.V.)

Nag order na agad ako ng Blueberry cheesecake at isang caramel macchiato bago hintayin ang dalawa

Nasa may glass window ako para makita ko sila, at ayun nga sila, naglalakad papunta dito

Naku! Kung hindi ko lang siguro sila kaibigan, mapagkakamalan kong silang dalawa!

"A-Ches!" Sigaw ni Sanyel na naupo agad sa harapan ko

"Oorder lang ako ha," sabi ni TaeHyung

"Pakurot na ako A-Ches," sabi ni Sanyel na nakaturo sa Blueberry cheesecake ko, lahat naman ata ng binibili ko kinukurutan niya...

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon