Chapter 38

251 13 0
                                    

(Yoongi's P.O.V.)

"Ma, miss na kita," sabi ko kay Mama

"Anak, wag ka nang malungkot, may magpapasaya na ulit sa iyo," sabi nya

"Hindi ma, miss na miss ko na po kayo," sabi ko

"Sana anak, makayanan mo nang magpatawad, gagaan ang loob mo kapag natutunan mo iyon," sabi nya

Naalimpungatan ako ng may maramdamang nakapatong sa hita ko.

Kumamon?

Nagawi agad ang tingin ko sa babaeng katabi ko.

Anong ginagawa nya rito!?

Gulat at pagtataka ang nangunguna sa akin habang pinagmamasdan sya.

Totoo ba ito o pagpapatuloy lang ng panaginip ko?

Hindi.

It doesn't matter if it's a dream or reality as long as I'm with you.

Tumingin ako sa baba, may pagkain doon. Medyo malamig pa ang tubig, siguro kani-kanina lang sya dumating.

Habang binubuksan ko ang tubig ay napatingin ako sa mukha nyang mas pinagaganda ng liwanag ng buwan.

Sorry A-Ches...

Nagulat nalang ako nang bigla nyang imulat ang mga mata nya.

"Sir.Min!" Sigaw nya at niyakap ako ng mahigpit

Bigla nalang gumaan ang mabigat kong damdamin nang yakapin nya ako.

"Buti nahanap ka namin!" Sabi nya

Sobrang saya ko na hinanap nya ako, nakita nya ako at ngayon niyakap nya ako, ang sarap ng yakap nya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil sa kanya.

As I hug her back, I feel her warm tears touching my neck. Bigla nalang syang umiyak at nagpaumanhin nang nagpaumanhin.

Napangiti nalang ako at ginantihan sya ng mahigpit na yakap.

"I'm also sorry A-Ches, I missed you," bulong ko at hinagod ang likod nya

"Sorry S-Sir.Min, hindi k-ko naman po gustong awayin k-kayo e-ehhh," sabi nya at isiniksik lalo ang mukha nya sa balikat ko para matigil ang paghikbi

"Tahan na, nababasa ako ng laway, sipon at luha mo," biro ko pero hindi pa rin sya tumatahan

"S-Sana po S-Sir, sorry po," ulit nya

"Oo na nga! Paulit-ulit?" Sagot ko, pinunasan nya ang mga mata nya at ngumiti

"B-Bati na po tayo?" Tanong nya, tumango nalang ako dahil nakakatamad sumagot ng 'Oo'

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon