(Sammy's P.O.V.)
"Pasensiya na po,"
Nanginginig ang mga kamay ko at tila nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa mga bagay na napagtanto ko. May mga bagay na alam kong mabuti para sa akin, ngunit pilit kong binalewala iyon dahil mas inuuna ko ang sarili kong hinagpis.
I'm so selfish...
"Alam mo bang may mga pagkakataon na kailangan mo talagang tumakbo mula sa mga problema mo?" Nagpatuloy lang ang mama ni Jungkook sa pangangaral sa akin
"Pero nakadepende iyon sa sitwasyon, at ang sitwasyon na kinalalagyan mo, mukhang hindi panahon ngayon para tumakbo ka sa problema mo,"
"H-Hindi ko po alam kung anong dapat kong gawin," naiilang kong sagot
"Nauunawaan kita, pero isipin mo, nahihirapan ka ba talaga sa mga panahon na kasama mo ang mga taong tinutukoy mo?"
Parang isang malaking malaking bato ang iniangat at diretsang hinampas sa akin dahil sa tanong na iyon. Hindi... Hindi ko na kailangang mag-isip, dahil alam ko ang kasagutan sa tanong na iyon.
Napaupo ako damuhan dahil hindi na kinakaya nang katawan ko ang panghihina na dulot ng emosyon. Kulang ang mga luha para mailabas lahat lahat ng emosyon na nararamdaman ko ngayon.
"Nagkamali rin ako katulad mo, at tinakbuhan ko ang problema ko noon, iniwan ko si Jungkook,"
Napaangat ako ng tingin kay Tita na ngayon ay nakaharap na sa gawi ko. Nakangiti siya, pero ramdam na ramdam ko ang kakaibang lungkot na sumasama sa bawat salitang sinasambit niya.
"Pero napagtanto kong hindi si Jungkook ang problema, kung hindi ang sarili ko," naiiling niyang dagdag
"Dahil magulo ang isipan ko noon, lalo na nang malaman kong may ganito akong uri ng sakit, hindi ko na naisip kung sino sinong maaapektuhan sa pag-alis ko. Naging makasarili ako at iyon ang kasalanan ko,"
"Naging makasarili ako at pumunta sa ibang bansa kasama ang panganay ko para maipagamot ang sarili ko, pero tignan mo ako ngayon, nasa mga huling hantungan na ako ng buhay ko,"
"T-Tita, wag k-"
"Shhhhhh, alam kong malapit na ang araw ko, kaya hayaan mong may mapagsabihan ako ng mga sikreto ko, ha," lalo akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nang makita na pati si Tita ay umiiyak na ngayon sa harapan ko
"Noon pa lang, alam kong may sakit na ako pero hindi ko sinabi iyon kay Jungkook at basta na lang akong nawala, gusto ko lang humingi ng kapatawaran sa kaniya kahit sa huling pagkakataon. Gusto ko lang humingi ng kapatawaran, wala na akong pakialam kung ano pang susunod na mangyari, payapa na ako kapag napatawad na ako ng taong pinaka mamahal ko,"
Kapatawaran... Oo! Alam ko sa sarili kong iyon din ang hinahangad ko!
"Kaya patawarin mo ang sarili mo hija, ikaw mismo ang manguna sa sarili mo at harapin ang mga susunod na kaganapan ng buong tapang, tibayan mo ang loob mo,"
Ang mga katrabaho ko sa MY Company... Sila Hanyeok, A-Ches, Sanyel, Jungkook...
At Tae Hyung...
Patawarin niyo ako... Naging makasarilia ako at hindi ko naisip na may mga pinagdaraanan din kayo... Patawarin niyo sana ako...
"G-Gusto-"
"G-usto ko rin pong h-humingi ng kapatawaran sa kanila," nanginginig ang mga labi ko nang maimutawi ang nais ko, diretso lang ang tingin ko kay Tita na siya namang nakangiti ng malawak sa harapan ko
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
ФанфикKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...