Chapter 10

572 24 1
                                    

(A-Ches' P.O.V.)

Pagkatapos naming magkuwentuhan ni Sammy ay naintindihan ko rin ang sitwasyon niya, itinurin ko na rin syang kaibigan dahil may kaharutan rin pala sya kahit papaano

"Napadikit na nga lang ako sa kanya eh," sabi nya habang nakayuko

"Lagi kang nakasunod dun duh!~" sabi ni Sanyel

"Hoy, hindi ikaw ang reyna ng duh!~ dito, baby," natatawang sabi ni TaeHyung

"Mapapagkatiwalaan niyo ako," sabi ni Sammy

"Tignan muna namin, assisstant ka kasi ni Duh!~ eh," sabi ni Sanyel, tinotopak ba ito o ano?

"Hindi niya ako assisstant ha," sabi ni Sammy

"Sumasama lang ako sa kanya dahil nag volunteer akong tulungan siya pero simula noon, parang ginawa na akong yaya ng loka," paliwanag niya kaya nagtawanan kami

Kung ano-ano pa ang naging biruan namin hanggang sa makabalik na kami sa opisina

"Salamat sa oras, babalik na po ako sa trabaho," sabi ni Sammy na pumunta sa desk niya

Naupo na rin sila Sanyel at TaeHyung sa mga desk nila para mag-ayos ng interior designs, sunod-sunod rin kasi ang projects

Bago ako bumalik sa office, narinig ko ang boses ni Han Yeok

"Sammy, hoy! Kunin mo nga yung long papers doon," sabi ng loka

Tumingin sa akin si Sammy at umiling ako para sabihing wag niya itong susundin

Alam ko, isa akong baliw na assisstant manager 😂😂😂

📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂

"Ms.Park," nagulat ako sa biglang tawag ni Manager Jung

"Bakit po?" Tanong ko at tumayo para lumapit

"Umm," ipinakita niya ang cellphone niya

"Ms.Park puntahan mo na," sabi niya

"Ahhh sino ba iyan?" Tanong ko

"Alam mo na," sabi niya kaya kinuha ko na agad ang bag ko

"Sa Parking Lot," habol niya, nang pumunta ako doon ay nakita ko agad ang sasakyan ni Sir.Kim

"Ms.Park, hindi ko alam kung anong iniisip niya," sabi ni Sir.Kim at pinapasok ako

"Bakit po?" Tanong ko nang umandar na ang sasakyan

"Pinapatawag ka eh, may ipagagawa ata," sagot niya

"Nasaan po ba sya ngayon?" Tanong ko

"Sa kuwarto, tulog," sagot niya kaya natawa ako

"Siya lang ang kilala kong pagkatapos gawin ang kailangan niya matutulog na agad," dagdag niya

"Nakakapagod rin naman po kasi talaga sa mundong ito kung iisipin," sabi ko

"Paanong nakakapagod?" Tanong niya

"Yung mga problema, baka may problema lang si Sir," sabi ko habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang mga nahuhulog na dahon

"Siguro nga, oo," sagot niya at tahimik na kami hanggang sa marating ang mansiyon ng Baby Jin kooo

"Dito ka rin po ba nakatira?" Tanong ko

"Oo, minsan nagpupunta ako sa tunay kong bahay pero kasi mas gusto kong samahan si Yoongi," sagot niya at bumaba na kami

"Ang cute niyo naman pong magkaibigan," sabi ko, nakakatuwa naman kasi talaga

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon