(Jimin's P.O.V.)
Bakit wala?
Kinalikot ko ang mga e-mails pero wala talaga akong makita. Sumidhi ang kaba sa dibdib ko.
Alam na kaya nila?
"Hindi puwede," bulong ko sa sarili ko
"Hindi puwede ang alin?" Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Kuya Jin sa likod ko
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya
"W-Wala, nawawala lang yung e-mail ng isang kliyente, hinahanap ko lang," pagsisinungaling ko
Nagtaas lang sya ng isang kilay at tumango bago maupo sa swivel chair nya at umikot ikot.
Pinagmasdan ko lang sya na nakatingin sa labas ng gusali na malalim ang isip.
"May problema ba Kuya?" Tanong ko, huminto sya sa pag-ikot
"Wala naman, actually excited lang talaga ako, hindi ko kasi alam kung anong ihahanda ko eh," sagot nya
"Ihahanda saan?" Tanong ko, ngumiti naman sya ng malapad
"Hindi mo pa pala alam? May itinakda na kaming kasal ni Jun Hee!" Sagot nya kaya nanlaki ang mata ko
"Hindi nga Kuya?" Tanong ko
"Oo nga! Pero shhh ka lang ha, sosorpresahin ko kasi si Jun Hee," sagot nya at tumawa
"Hahaha sige sige, pero ano nang balak nyo pagkatapos nyong ikasal?" Tanong ko
"Hmmm tutulungan ko sya sa Pastry Business namin," sagot nya
"Teka, paano itong kompanya?" Tanong ko, saglit kaming nagkatinginan
"Jimin, alam mo naman ang tungkol sa kompanya na ito," biglang naging seryoso ang tinig nya
Napatango naman ako dahil sa pagsang-ayon, napaisip din ako kung itutuloy ko ba ang balakin ko.
"Nakadepende na sa tadhana ang pasya!" Sabi nya habang humihikab
"Hindi mo ba mamimiss itong kompanya?" Tanong ko
"Kung sakali mang umalis na ako rito, ipapasa ko naman sa iyo eh hahaha!" Sagot nya, napangiti naman ako
"Baliw ka Kuya," sabi ko
"Ano ka pa? Ano nahanap mo na ba yung e-mail?" Tanong nya kaya kinabahan ulit ako
"Hindi pa," sagot ko at muling tinignan ang laptop ko kung saan nakabukas ang e-mail ni Ho Seok
Sorry... Pero bakit wala?
Nandito lang dapat iyon, ang pagkakaalam ko si Ms. Park at Ho Seok lang ang pagbibigyan nya ng e-mail na iyon...
Binuksan ko rin ang e-mail ni Ms. Park pero wala ring nangyare, wala talaga.
Paano nangyare iyon? Malapit na ang araw ng public presentation, kailangang makagawa na kami ng ideas...
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako sa tumatawag.
"Sanyel," sambit ko, sinara ko nalang muna ang laptop ko para hindi makita ni Kuya Jin
"Sino iyan ha?" Mapang-asar na tanong ni Kuya Jin
"Si Sanyel," nakangiti kong sagot, lumabas muna ako ng office para kausapin si Sanyel
"Hello?" Sagot ko
"Hi Chimchim!" Tawag nya
"Bakit ka napatawag Sansan?" Tanong ko
"Itatanong ko lang kung anong oras iyong sinasabi mo," sagot nya

BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...