(Somin's P.O.V.)
"Okay, kalmado na lahat, ngayon bakit kayo magkakasama ha? Hahahaha," panunukso ng katrabaho nilang si Yoseob
"Lahat nalang ng lumalabas sa bunganga mo, walang saysay," sarkastikong sagot ni Kuya Ih Dae na nagpahagikhik sa akin
"Magkapatid talaga kayo?" Tanong naman ni A-Ches
"At sa akin, hindi ako interesado dahil hindi ko naman siya kilala," sabi ng boss nila habang nakaturo sa akin
"Dude, how rude," saway ng kaibigan nya
"Sir. Min, actually siya yung pinakanakatulong sa pag retrieve ng datas nung nahack at sila rin yung nakaalam kung sino ang nagtangkang manghack," segunda ni A-Ches kaya napangiti nalang ako nang makita ang ekspresyon ng mukha ng boss nila
"Wala iyon," pahumble kong sagot
"Sagutin nyo yung tanong ko," nagmamakaawang sabi nung Yoseob
"Sasabihin mo ba talaga sa kanila?" Tanong ni Jungkook
"Wala namang masama para sa akin, pero baka sa kanila," sagot ko sabay turo kay Kuya at kay Han Yeok na malalim ang iniisip
"Bata palang magkakasama na kami," sabi ni Kuya, hindi ko naisip na sya ang mangunguna sa ganitong usapan
"BAKIT HINDI NAMIN ALAM ITO!?" Tanong nung Yoseob
"Kailangan ba? Hahaha," sagot ni A-Ches
"Anak lang ako ng kasambahay nila, dito ako nakatira dahil dito rin nakatira ang mama ko," naaasar na tugon ni Han Yeok
"Han Yeok, alam mong hindi lang basta kasambahay ang turing namin sa inyo," sabi ko sa kanya kaya napaangat sya ng tingin sa akin at tumango
"Pero all this time, akala ko ayaw nyo talaga sa isat isa dahil panay ang pang-aasar ni Joo Young kay Han Yeok habang si Han Yeok naman grabe yung galit kay Joo Young," sabi ni Yoseob
"Pero hindi ba ibig sabihin lang noon eh mas close sila?" Kontra ng kaibigan ng boss nila
"Ganun ba iyon?" Tanong nito kaya natawa nalang ako
"Bestfriend ko si Han Yeok," sabi ko sabay kurot kay Han Yeok
"So ayun nga, pinangarap kong makapasok sa bagong kompanya which is MY Company, ang balita ko kasi kompanya iyon ng ng kapatid ng CEO ng KSJ," sabi ni Han Yeok
"Pinangarap mo palang makapasok sa kompanya ko, sorry Ms. Shin," sabi ng boss nila
"Ok lang po Sir. Min, kasalanan ko rin naman po na hindi ko pinaalam ang mga nalalaman ko eh," naiiyak na sagot ni Han Yeok
"Inaamin ko rin po na may sama ako ng loob kasi sobra akong mag effort pero si A-Ches ang laging bida," dugtong nya
"Kaya A-Ches, sorry, sorry kung nabulag din ako ng inggit ko sa iyo," paumanhin nya, agad namang lumapit si A-Ches sa kanya saka sya niyakap
"Naiintindihan ko, pangarap mo iyon Han Yeok eh, kahit ako may mararamdaman akong sakit kung ginawa ko naman lahat ng kaya ko," sabi ni A-Ches sa ngayong umiiyak ng si Han Yeok
"Pero mayroon at mayroong pagkakataon para matupad mo ang pangarap mo, siguro talagang may mauuna sa iyo pero ikaw na ang susunod, kailangan mo lang tignan ang inspirasyon sa lahat ng sitwasyon nang hindi sumama ang loob mo," sabi ni A-Ches bago kumawala sa yakap nila
"Every dreamer has their own idol,"
"Kung sinoman ang hinahangaan mo, gawin mo syang inspirasyon para magpatuloy," nakangiting sabi ni A-Ches, tumango tango naman si Han Yeok habang nagpupunas ng luha

BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...