Chapter 21

269 16 1
                                    

(Namjoon's P.O.V.)

Dahil ayaw bumangon ng sira-ulong tamad na nilalang na ito, binuhat ko nalang sya papunta sa kotse at nagdesisyong umuwi nalang

"Daig pa ang nalasing," bulong ni Ms.Park

"Asar nga eh!" Sabi ko at hinampas ang harapan ng sasakyan, nagkagasgas ito

/........../

"Sir.Min?" Tawag ni Ms.Park pero hindi sya umimik

Nang makauwi kami ay tinatamad syang tumayo at nauna sa pag-akyat para matulog, aakyat na sana ako nang tawagin ako ni Ms.Park

"Sir.Kim," tawag niya, nilingon ko sya

"May gusto po sana akong itanong," sabi niya

"Ah sige, sa labas tayo mag-usap," sabi ko, para kasing seryoso sya

📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁

"Nai-kuwento po kasi ni Baby Jin ang tungkol kay Sir.Min," bungad nya

"Anong sinabi nya?" Nag-aalala kong tanong

"Bakit po naging ganyan si Sir? Masyado syang nagdadamdam," sabi nya na hindi sinagot ang tanong ko, nang tignan ko sya ay may bakas ng kalungkutan ang mukha nya

"Mahal na mahal kasi nya ang magulang nya," sagot ko, naalala ko tuloy si Yoongi na umiiyak

"Bakit po ayaw niyang sumabay sa Baby Jin ko?" Tanong niya

"Umiiwas sya, alam mo, si Dude kasi ang dating assisstant C.E.O. ng Baby mo, este ni Seokjin," sagot ko, napatango naman sya na may halong gulat

"Pero dumating yung oras na nagsawa sya at nag desisyong magtayo ng sariling kompanya para patunayan sa kanila na kaya nyang mag-isa," paliwanag ko

Nang tumingin ako ulit sa kanya ay malalim na ang iniisip niya

Masuwerte pero kawawa rin ang babaeng gusto ni Yoongi...

(A-Ches's P.O.V.)

"Sir.Kim, puwede po bang magkuwento pa kayo?" Tanong ko

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagka-interes tungkol kay Sir.Min, nakakalungkot nga kung iisipin, ewan ko, na-touch ako na ewan at ngayon naku curious nanaman ako

Ngumiti naman si Sir. Kim bago tumango

"Ang iniisip kasi ni Yoongi, kinakaawaan lang sya ng- Kim Family," bahagya syang napahinto

"Haha, Kim din kayo eh!" Komento ko, ngumiti sya pabalik

"Tapos ayaw nya ng ganun, isa pa, kahit ganyan ang ugali nyan maraming pangarap iyan," pagpapatuloy nya sa pagkukuwento

"Tapos matutulog lang sya," sabi ko

"Dahil, doon nya nakikita ang inspirasyon niya," kapwa kami nalungkot doon

"He always sleep, because in his dreams, he can see his parents there and only there, he uses his imaginations to build it," sabi niya

"Kaso nga lang nagsi sleep walking sya," dagdag nya

"Opo nga po," pagsang-ayon ko

"Pagpasensyahan mo na nung tumabi sa iyo, baka kasi akala nya niyayakap nya na ang mama niya," sabi niya na tinutukoy ay ang araw na nandoon sila sa amin, tumango naman ako bilang tugon

"Naaalala mo pa ba yung araw na tinanong mo kung bakit may lock yung pinto sa labas?"  Tanong niya

"Opo," sagot ko na may kasamang tango

"Kaya iyon naka-lock mula sa labas kasi nakakapunta sya kung saan saan ng tulog, baka madisgrasya, noong una hindi ako pumayag sa pakiusap nya, kaso nung mahulog sya sa hagdan, pumayag na rin ako, buti at nandoon si Jimin, tinulungan nya kami," kuwento niya

"Si Jimin lang ang nakakausap nya roon dahil bukod sa pinsan lang ito, mabait at pinatunayang walang ibang gusto kung hindi mapalapit sa kanya," dagdag nya

"Ang lungkot naman ni Sir," sabi ko at inisip ko kung ako ang nasa kalagayan nya

Marami nga talaga syang problema pero... Mas mabuti na ang may nakaagapay na pamilya...

"Pero kung iisipin, parang sya lang rin po ang gumagawa ng problema nya," sabi ko

"Oo, alam ko iyon, kadalasan pinagsasabihan ko sya na bumalik sya sa realidad, ginigising ko rin sya, pero minsan talaga ayaw nyang bumangon," sabi niya

"Pag hindi ako nakakauwi dito, pumupunta sya sa isang lugar kung saan may Ferris Wheel at doon sya magpapahinga, parang baliw noh? Pero para sa amin, ligtas sya doon dahil di sya makakalabas kasi kilala na sya ng mga nagtatrabaho doon at sinisiguradong ligtas sya," dagdag nya

"Ang galing naman nun, gusto ko ring makatulog sa Ferris Wheel," biro ko

"Pero sinusubukan ko pa rin na makauwi agad kasi ayaw kong mapahamak sya. Dude ko iyon eh!" Sabi niya, tinawanan nalang namin iyon habang nagbibiruan tungkol sa napag-usapan

"Oh, Ms.Park," napatingin kami sa nakangising mukha ni Jimin, nakasunod ang matangkad at maalindog na baby ko

"Bakit umuwi kayo agad?" Tanong ni Baby Jin, tinignan ko sya at napangiti ako dahil doon

Ang pogi talaga!

"Haaaay," bigla nalang akong napabuntong hininga

"Bakit ang lalim ng hinga mo? Pagod ka na siguro. Halika, ihahatid na kita sa inyo," sabi ni Sir.Kim

"Salamat po," sabi ko at tumayo na kami para sumakay sa sasakyan

📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝

End Of Chapter 21

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon