Chapter 48

173 7 0
                                    

(A-Ches's P.O.V.)

Lagot nanaman ako kay Sir. Min nito...

"A-Ches," tawag sa akin ni Min Jae

Haaaay, bakit pa sya nagpunta rito?...

Tinignan ko si Minjae ngunit agad ko rin itong iniwas dahil nakatitig na sya sa akin.

Haaay...

Kanina, sinubukan nya akong kausapin sa kompanya pero itinaboy ko sya, hindi dahil sa ayaw ko syang makita, nasa trabaho lang talaga ako noon, nakakahiya rin kasi kay Manager Jung.

Ilang minuto na rin ang lumipas ngunit nanatili kaming nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Bakit Min Jae, ano ba talagang pag-uusapan natin?" Pagbasag ko sa katahimikan

"B-Bago ko sagutin iyan, sagutin mo sana muna ang tanong ko, may galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong nya

Gusto kong umiyak, pero ayoko...

Dumaloy ang kaba kasabay ng pagbilis ng pagpintig ng puso ko, pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil sa pagpipigil ng emosyon ko.

Ngayon, naramdaman ko nanaman ang pakiramdam ni Sanyel...

Kahit anong pigil ko ay hindi na mapipigilan pang tumulo ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Lumakad na ako papasok sa bahay at ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Min Jae hanggang sa makapasok kami sa loob.

"A-Ches," tawag nya nang mahinahon, naramdaman ko ang paghawak nya sa balikat ko kaya tumingin ako sa ibang gawi

"H-Hindi na, hindi na Min Jae," sambit ko

Iyon naman talaga ang totoo...

"Ikatutuwa ko ang sagot mong iyan kung totoo," sabi nya, tinignan ko sya na nakatingin sa akin ng may awa

Ayokong kaawaan ako, pero... Pero ganoon talaga ang nangyayari...

"T-Totoo, pero hindi ko pa rin kayang-"

Bakit ba hindi ko kayang sabihin ang nais kong sabihin?

Pinangunahan ako ng nag-uunahang mga luha at wala nang sumunod na salita mula sa akin.

"Kayanin mo," sambit nya at niyakap ako ng mahigpit

"Pero k-kung hindi mo talaga kaya, sana pakinggan mo ako," dugtong nya

Tumango nalang ako, lalo nya namang hinigpitan ang yakap nya nang mapahikbi na rin sya.

"A-Ches, hindi mo alam kung gaano ako nangulila sa iyo, hindi maihahambing sa anomang salita A-Ches, hinding-hindi,"

"Alam mong hindi ko rin ninais na mangyari ang bagay na iyon A-Ches, naiintindihan kita, kaya kita binigyan ng space, kaya ako lumayo, pero naghintay lang naman ako ng tamang pagkakataon, sa daming taon na nasayang, sa daming taon na lumipas, ito na siguro ang tamang pagkakataon, patawarin mo rin sana ako dahil wala akong nagawa," pagpapatuloy nya na lalo kong ipinagdamdam

"Hindi mo ako d-dinamayan Min Jae eh!" Sagot ko, sa wakas ay nakasagot na rin ako sa kanya

"Kaya ako nanghihingi ng tawad sa iyo, A-Ches," sagot nya at kumawala sa yakap

"Itinurin naman t-talaga kitang pamilya, ikaw ba tinurin mo akong pamilya mo? Alam mo na palang m-may-"

Umagos nanaman ang mga luha at hindi ko maituloy ang sinasabi ko.

"Sabih-hin mo na lahat, tatanggapin ko, tatanggapin ko," sagot nya at niyakag ako papunta sa sofa

Hinablot ko ang maliit na unan at niyakap iyon nang mahigpit.

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon