Chapter 71

525 5 0
                                    

(Tae Hyung's P.O.V.)

"Duh!"

Sabay kaming napatingin ni Baby sa babaeng kasabay namin ngayon sa unang araw namin sa MY Company.

"Totoo naman Han Yeok," sabi ng kasama nyang chubby

"Hahahaha as if namang maniniwala ako, ewwww," sabi nito

May pinag-uusapan silang dalawa, at ang lakas lakas ng boses nila kaya lahat kami nakikikinig nalang.

"Grabe naman yung bunganga nun Kuya," bulong ni Sanyel, tinawanan ko lang sya

"Ang cute nga ng mga ganun eh, maiingay," sagot ko, inirapan lang ako ni Sanyel

"Ito nalang gawin mo Sammy, akyat ka rooftop tas talon ka," sabi nito

"Han Yeok," sagot nung Sammy na hindi alam ang sasabihin matapos marinig iyon

"Bang bang baaaaaang! Kumusta kayo dyaan haaa!?" Tanong ng lalaki mula sa pinto

Nagpakilala sya sa amin bilang Manager. Ang ingay ingay nya rin, kaya siguro ang iingay din ng mga kasamahan namin.

"Hindi naman gaanong mahigpit dito sa kompanya, ang mahalaga may pakikisama ha mga alagad ko, ako ay aalis naaaa!" Paalam nito habang iniwan kaming tatawa tawa lang

"Abnormal pala iyong manager natin eh," sabi ng katrabaho naming si Yoseob

"Kung pakikisama lang ang usapan, si Ih Dae lang at Myung Soo ang di papasa dyaan!" Pang aasar pa ng isa

"Tigil tigilan mo ako Joo Young ha," pagbabanta ni Ih Dae, natawa lang kami sa kanila

"First day na first day, ganyan inaasal nyo," sita ni Myung Soo

"Sabay sabay kaya tayong kumain, nang magkakilanlan tayo, ano?" Tanong ng isa naming katrabahong babae na si Ah Ri

"Go ba kayo?" Tanong ni Yoseob sa amin, tumango lang ako

"Duuuuuuuuuuuh!" Mahabang sigaw ni Han Yeok, kaya napatingin kami lahat sa kanya

"Han Yeok, ikaw talaga," sita ni Sammy

"Syempre go diba, ang cute kasi nya oh, sabay ka ha?" Nagulat naman ako sa biglang pagturo nya sa akin

Ako cute? Hahaha!

"O-oo sige," sagot ko, parang sinampal yung mukha kos sa pula, at totoong nasampal nga ako

"Malandi," sita ni Sanyel

"Hala ginalit mo yung girlfriend nya!" Sabi ni Sammy

"Ay may girlfriend sayang!" Biro nito, nagtawanan lang sila

"Kuya, yuck!" Asiwang bulong ni Sanyel

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon