Chapter 59

182 5 0
                                    

(Tae Hyung's P.O.V.)

Pinatay ko ang kapatid ko...
Pinatay ko ang kapatid ko...
Pinatay ko ang... Kapatid ko...

"Kuyaaaa!" Napalingon ako sa kanya na naghahalo ang mga luha at sipon sa mukha, pinunasan ko iyon bago magsalita

"A-ano?" Tanong ko, nagtatakbuhan na ang mga tao sa paligid

"B-Balikan natin sya kuya!" Natataranta nyang sabi

"Hindi puwede Sunny!" Sagot ko, walang pag-asang makabalik kami sa bahay ngayon

"Kuya iligtas natin sya!" Ngawa nya, naiyak nalang rin ako dahil sa pagtingin sa bahay na tinutupok ngayon ng lumalagablab na apoy

Nanatili nalang kaming nasa tapat. Ang mga magulang namin ay wala rito sa bahay dahil sa negosyo.

Tinignan ko si Sunny na mahigpit na nakayakap sa akin habang umiiyak. Ang kapatid kong ito, ang bait talaga ng puso nya... Kahit na lagi syang sinasaktan at pinagdududahan, handa syang magsakripisyo...

Hindi ko kakayanin na wala akong magagawa sa lahat ng sakripisyo nya. Napatingin ako sa bahay at mabilis na tumakbo. Papasok na sana ako nang marinig ang ingay ng pagkatanggal ng kahoy mula sa taas.

"KUYAAAAAA!"

"SUNNY!" Napabalikwas agad ako mula sa higaan nang magising mula sa masamang panaginip

Pero hindi ito panaginip lamang... Isa itong realidad mula sa nakaraan...

Matapos na mahimasmasan ay tinungo ko ang kuwarto ni Sanyel para tignan ang kalagayan nya pero hindi ko sya namataan doon.

Himala? Una syang nagising?

Tinignan ko rin ang banyo, kusina, pati ang ibang kuwarto pero wala talaga sya kahit saan. Naligo nalang ako at nagbihis bago mapagdesisyunang pumunta kayla A-Ches.

"Oh, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni A-Ches nang pagbuksan ako ng pinto

"Wala ba si Sanyel dito?" Tanong ko

"Wala! Hoy anong araw na ngayon, bakit hindi ka pa nakahanda?" Tanong nito sa mataas na boses

"Excited ka masyado, mamayang hapon pa iyong event!" Natatawa kong sagot sa kanya

"Pero teka nasaan si Sanyel?" Tanong nya kaya napaisip ako

Don't tell me!?

Nagkatinginan kami na may bakas ng pagtataka at pagkumpirma.

"Anong araw na ba- ay! Puntahan natin!" Sabi nya at mabilis na nagbihis bago kami sumakay sa sasakyan nya

Kaya pala nagparamdam sya...

Tulad ng hinala namin ay nakita namin si Sanyel na nakaupo sa tapat ng puntod ng isa pa naming kapatid. Nadurog ulit ang puso ko nang makita syang umiiyak ng walang boses.

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin sya sa kasalanan ko...

Lumapit kami sa kanya para damayan. Nang mapalingon sya ay agad nya akong niyakap ng mahigpit at humagulgol kaya naluha nalang rin ako at ginantihan sya pabalik ng mas mahigpit habang nakatingin lang sa amin si A-Ches na nakangiti pero bakas ang pag-aalala sa mukha.

Hinagod ko ang likod ni Sanyel para mabawasan ang sama ng loob nya at hindi ako mahirapan.

Huwag kang mag-alala Sanyel, gagawin ko na ang nararapat... Ngayong araw pakakawalan na kita sa mga sakit na nararamdaman mo... Ako ang bahala... Ako ang bahalang magligtas sa inyong lahat...

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon