Chapter 42

231 9 2
                                    

(Someone's P.O.V.)

Ito nanaman ako, nakatingin sa kanya habang nakatingin sa lalaking natutulog.

Alam nya kayang gusto ko sya?

Tinignan ko ang paligid, kaming lima lang talaga ang tao rito.

Naghahampasan sila Shin Ah at Sanyel, ako naman nakaupo rito sa damuhan, si TaeHyung ay nakahiga at natutulog habang pinagmamasdan sya ni A-Ches.

"Doon tayo sa seesaw!" Aya ni Shin Ah kay Sanyel, may pagka-isip-bata pa kasi itong pinsan ko, paano laging mag-isa sa bahay nila, busy kasi sila Tita at Tito sa trabaho

Pinanood ko silang nagtataas baba sa seesaw. Buti nagagawa nilang magbalanse, malaking bulas kasi si Shin Ah, at si Sanyel, ayun, napagkaitan ng height.

"Gising ka na!" Sabi ni A-Ches kaya nadako ulit ang tingin ko sa kanila, nagmulat naman ng mata si TaeHyung at naupo

"Hohoho!" Ayan na, ang signature na tawa ng bata, palapit na

"Hohoho! Ate, Kuya! Sabi ni mama dalhin ko ito, nagdala ako ng pagkain!" Sigaw ng ever-happy go lucky na si Cheon Sa at nilapag ang pagkain sa gitna naming tatlo

"Sali ako!" Sigaw nya nang makita sila Shin Ah at Sanyel sa seesaw

Isa pa iyan, isip-bata pa rin! Teka- bata pala talaga sya.

Sumampa sya sa bahagi kung nasaan si Sanyel para mas balanse ang bigat.

Tulad ni Sanyel ay may payat itong pangangatawan pero mas matangkad pa sya kay Sanyel hahaha!

"Nakakagutom ang pagtulog," sabi ni TaeHyung na kinuha ang isang plato, nilatag naman ni A-Ches ang pagkain at tinulungan ko sya

"Woooow bakit may Kimchi!?" Sabi ni TaeHyung na agad kumuha ng Kimchi

"Napagtripan siguro ni Mama," nakangiting sagot ni A-Ches, kumuha ako ng Kimchi at tinikman iyon

"Um! Ang sarap," sabi ko at kumuha pa

"Pagdating ng araw-hack!" napahinto si Taehyung sa pagsasalita dahil sa pagkakapuno ng bibig ng pagkain, tinawanan naman namin sya ni A-Ches

"Papangalanan ko ang anak ko ng Kimchi," pagpapatuloy nya

"P$U6@60," sabay naming reaksyon ni A-Ches at nagtawanan

"Sa milyong milyon na pangalan at salita, Kimchi pa talaga ang nais mo!" Natatawang sabi ni A-Ches

"Pero A-Ches, ikaw, anong ipapangalan mo sa anak mo someday?" Tanong ko

"Hmm? Wala, wala rin naman kasi akong mapapangasawa hahaha!" Biro nya kaya nagtawanan na lang rin kami

"Ang panget mo kasi, magkaanak ka man, iiwanan ka ng asawa mo hahaha!" Biro ko, hahampasin nya dapat ako pero umilag ako

"Oy hindi panget yan si A-Ches noh," sabi ni TaeHyung, nginitian sya ni A-Ches

"Sobrang panget!" Dugtong nya kaya hinampas sya nito sa mukha, nagtawanan naman kami dahil doon

"Mga wala kayong kuwenta, bwiset!" Sabi ni A-Ches habang nagpipigil ng tawa

"Pero di nga A-Ches, kung sakali lang, kunyare kayo pala ni TaeHyung ang magkatuluyan," sabi ko

Hindi, ako dapat iyon.

"Hell no!" Sabay nilang sigaw

"Panget nyan, ew! Baka naman mamaya ikaw ang may gusto dyan Min Jae, curious na curious ka eh," sabi ni TaeHyung kaya natahimik nalang ako, tinignan ko naman si A-Ches na kinurot si TaeHyung sa hita

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon