Chapter 2

1.6K 36 12
                                    


(TaeHyung's P.O.V.)

Nagising kaagad ako ng 6:00, hindi naman ako nag alarm... Medyo maaga pero OK na rin

Pagkatapos kong maligo ay pinuntahan ko kaagad si Baby

"Baby, 6:30 n, gising na," sabi ko

"Mamaya nang 7:00 kuya, ano ba iyan!" Reklamo niya

"Puro ka reklamo, baby," sabi ko at dinaganan siya

"Yuck, Kuya!" Tinulak niya ako

"Isip bata ka talaga!" Dagdag niya

"Ligo ka na baby, ang baho mo na oh," sabi ko

"Dumikit ka kasi sa akin," sabi niya at bumangong inis na inis

Natawa nalang ako sa kapatid ko, parang nung bata pa kami lagi ko syang kalaro at ang bait bait nya sa akin, well, minsan tinatarayan niya talaga ako

Akala ko hindi ko kakayaning alagaan si Sanyel pagkatapos ng insidenteng iyon, nagkasakit pa siya sa puso, pero habang lumalaki kami mas lalo kong nare realize na gusto ko pang alagaan ang kapatid ko hanggang sa may mag alaga na sa kanya

Bakit ba kasi kailangan pang mangyari sa amin ito?


(A-Ches' P.O.V.)

Dumating ang araw ng Sabado, maaga akong umalis papuntang KSJ Company, hindi tulad ng dati, kinakabahan na ako ngayon sa interview dahil talaga namang malago ang kompanya

Naglakad nalang ako papuntang kompanya dahil dadaan ako kela TaeHyung

"Sir," kahit malayo layo pa ay rinig ko ang pagtawag ng isang lalaking naghihintay sa may entrance ng isang building, tumingala ako sa gusali

"MY Company, malaki rin pala," sambit ko at nang ibalik ko ang tingin sa daan ay nasulyapan ko ang isang nakakagulat na tanawin

Parang nag slow motion ang mundo ko nang makita ang isang poging lalaki na bumaba sa sasakyan

"Sir!" Sinalubong siya ng lalaking pogi rin na tumawag sa kanya at sinamahan papasok ng building

Ang pogiiiiii!!!

Kinikilig kong naalala ang sinabi ni TaeHyung at sumunod ako sa kanila papasok

Kinikilig kong pinagmasdan ang lalaking naka-pink at umakyat sila

"Nasaan kaya sila TaeHyung?" Bulong ko sa sarili at nagtanong sa isang nakasalubong na employee


"Sanyel!" Bati ko at lumapit sa kanila

"Oh, kapapasok lang rin namin," sabi niya at niyakap ako

"Sumaglit lang ako, aalis din naman ako kaagad eh," sabi ko

Habang nag uusap kami ay dumaan ang poging lalaki sa labas at nakita namin siya dahil transparent ang glass na nakaharang

"S-Sanyel! Sino pala iyon?" Atat kong tanong kay Sanyel

"Pangalawang beses ko na siyang nakita, laging diyaan ang daan niya," sabi ni TaeHyung

"Lagi syang paakyat ng building, strikto pa naman doon," sabi ni Sanyel

"Baka C.E.O. niyo, sino bang C.E.O. niyo?" Tanong ko

"Hindi pa siya nagpapakilala, pero hindi rin naman namin alam ang itsura niya," sabi ni TaeHyung

"Baka siya na yun!" Kinikilig kong sabi

"Nakakita ng pogi eh," sarkastikong sabi ni Sanyel

"Ako?" Biglang epal ni TaeHyung

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon