(Yoongi's P.O.V.)
Hindi sya sumasagot sa mga tanong ko kaya hinila ko na sya papunta sa garden.
"Sir.Min!" Sigaw nya at bumitaw sa akin
"A-Ches, ano bang nangyari!?" Ulit ko sa tanong ko pero tanging paghikbi lang ang isinagot nya
A-Ano ba kasing meron!?
Tinignan ko sya na namumula na ang mukha na may galit.
"P-Paasa ka Sir.Min," sabi nya sa garalgal na boses
"Ano?" Sambit ko
"Paasa ka!" Sigaw nya at hinampas hampas ako
"Salbahe ka! Masyado kang inggit sa kuya mo ... Wala kang puso," sabi nya, kumunot ang noo ko sa mga sinabi nya
"Anong sinabi mo? Tumigil ka, hindi ko gusto iyan," sabi ko sa kanya at pinigil ang galit ko
"Wala kang puso," ulit nya
"Ano!?" Sambit ko
"Alam ko namang ginagamit mo lang ako para sa kompanya mo, pero bakit kailangan mo akong paasahin sa kuya mo? Wala kang puso, ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong problema!" Pagdidiin nya kahit garalgal ang boses
"Hindi mo alam iyang mga sinasabi mo, hindi mo ako nakilala noong bata pa ako kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan!" Sagot ko
"Nang dahil sa pagtatago mo ng totoo, mag-aaway pa ang kuya mo at ang girlfriend nya," sabi nya
"Dahil sa akin?" Sarkastiko kong ulit
"Sino kayang humiling ng pagkakataon na iyon?" Ganti ko
"Alam mo namang may girlfriend sya pero bakit!" Sigaw nya
"Oo! Alam kong may girlfriend sya, at hindi ko kasalanan kung isa kang malaking tanga para umasa!" Sagot ko, nakatanggap naman ako ng sampal sa kanya
Patuloy lang sya sa pag-iyak at di ko na sya tinignan pa.
"Wala ka man lang sinabing paumanhin, wala kang pake sa nararamdaman ng iba," sabi nya
"Yoongi, insan, anong meron?" Rinig kong nag-aalalang tanong ni Jimin na kadarating lang
Bahagya akong ngumisi at tumingin kay A-Ches.
"Bakit? Kailangan kong mag-sorry? Pasensya na pero employee lang kita, at ako ang boss mo kaya wala kang ibang magagawa kung hindi ang sumunod," diin ko
"Hoy insan," saway ni Jimin nang makalapit sa'min
"Tsss, I don't give a damn," sambit ko bago lumayas sa harapan nila at sumakay sa kotse ko
Bahala na kung saan ako mapunta.
Habang nagmamaneho ay may mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko.
Napaluha na pala ako sa inis...
"Grabe ka A-Ches, iba ka pala manakit," anas ko
Wala man akong kuwenta pero may puso akong laging nasasaktan.
(Sanyel's P.O.V.)
Agad akong lumabas ng bahay nang marinig kong may humintong sasakyan.
Sabi kasi ni Chimchim, ihahatid nya raw si A-Ches, hindi ko alam kung bakit sya ang kasama nito ngayon.
"Salamat," rinig kong sabi ni A-Ches kay Chimchim nang makababa sila sa sasakyan
"Wag mong intindihin iyong mga sinabi nya, galit lang iyon," sabi ni Chimchim

BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...