Chapter 17

284 16 1
                                    

(Yoongi's P.O.V.)

Dahil sa tatlong araw na sunod sunod na overtime ni Ms.Park, ahhh ni A-Ches, ay hinayaan ko syang humiling sa akin

Umakyat ang ranggo ng kompanya kaya lalo akong natuwa at dagdag iyon sa pagtupad ng kahilingan niya

Humiling sya sa akin ng isang memorable secret date niya kay Kuya Jin, kahit naiinis ako doon ay pinayagan ko nalang siya, ang katuwiran niya, tatlong araw nya raw hindi nakita si Kuya, humiling rin siya ng day off sa araw ng kinabukasan

"Thank you Sir!"

Hindi ko makalimutan ang ngiti niya at ang pagyakap niya sa aking iyon, sobrang saya sa pakiramdam at gusto kong maulit pa iyon

"Dude," isang tawag lang ni Namjoon ay nasira nang lahat ng imahinasyon ko at nabalik ako agad agad sa realidad

Hindi lang pala materyal na bagay ang kaya niyang sirain...

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa naisip, tinignan ko ang mukha niya at lalong nasira ang imahinasyon ko dahil bumalik sa isip ko ang dahilan kung bakit ngiting ngiti si A-Ches at kung bakit nya ako niyakap

Nang dahil sa hiniling niya...

"Bakit?" Iritado kong tanong

"Seryoso ka ba sa gusto mong gawin?" Tanong niya

Napatingin ako sa labas, nasa tapat kami ngayon ng bahay ni A-Ches, 11:00 na ng gabi

"Ilang beses na siyang tumangging dito tayo mag private celebration," sabi niya

"Hindi naman ako tumanggi sa hinihiling niya ha, wala syang magagawa," sagot ko

"Ewan Yoongi!" Sigaw niya sa akin

"Baka nga natutulog na iyon eh," dagdag niya

"Ngayon lang ako sinisipag magpakasaya Namjoon," sabi ko bago kami bumaba

Nang malapit na kami sa pintuan ay napahinto kami

"H-Hoseok!?" Gulat naming tawag

"Mga Sir!" Nakangiti niyang sagot

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong namin ni Namjoon

"Naghahanap ako ng damo, hahaha," sagot niya, siya lang natawa sa sarili niya, kung magbiro kasi wala sa oras eh...

"Joke lang, masyado kang seryoso Sir.Min, may hinahanap lang ako eh, kayo po?" Tanong niya

"Pupuntahan namin si Ms.Park," sagot ni Namjoon

"Ms.Park?" Ulit niya

Saktong pagkabigkas niya noon ay bumukas ang pintuan ng bahay at natamaan si Hoseok

"Anong!?" Nagkagulatan pa kaming lahat

"Sir.Jung, Sir.Kim, Sir.Min!?" Isa-isa niyang tanwag sa amin

"Ms.Park!" Gulat din naming tawag

"D-Dito ka nakatira!?" Tanong ni Hoseok

"O-Opo," naguguluhan niyang sagot

"Oh My Hearteu, my hearteu!" Sabi niya, bahagyang natawa si A-Ches

"Eh teka, mga Sir, bakit kayo nandito?" Tanong niya

"Hinahanap ko si Park Angel," sagot ni Hoseok

"Si Cheon Sa, anong meron sa kapatid ko?" Tanong niya, nakikinig lang kami

"Kapatid mo? What a small world! Kakausapin ko sana, ipache check up ko yung pamangkin ko," sagot niya

"Wala po siya ngayon dito, nasa hospital na pinapasukan niya, pero maya maya ata uuwi rin," sabi niya

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon