(A-Ches's P.O.V)
Hindi na ako makapaghintay, ngayon palang sobrang kinikilig na ako at kinakabahan!
"Aray!" Reklamo ni Sir.Min nang mahampas ko sya ng di ko alam
"Sorry sir!" Pagpapaumanhin ko, nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho nang nakakunot ang noo
"Sorry na nga eh," sambit ko, napailing lang sya
Ano bang problema nito?
Kanina lang ubod ng lapad yung ngiti, tapos ngayon, daig pa ang nakaladkad na tinapay sa pagkakakunot ng noo. Bipolar talaga.
"Ayos lang ba kayo Sir?" Tanong ko, nakita ko ang pagtalim ng mata nya sa daan, naku! Mukhang hindi
"Wag mo nang alamin," sagot nya
Ano ba talagang problema nya? Ganoon nalang ba talaga ang inis nya sa kuya niya?
"Wag kang tumitig, mababangga tayo," sabi nya, tumango nalang ako at humarap sa daan
"Uhm, Sir, saan kayo galing kanina?" Tanong ko
"Sa langit, bumaba para bigyan kayo ng puso, common sense o utak ni Jimin," sagot nya, kahit nakaseryoso ang mukha nya ay napangiti ako
"Eh kayo po? Kailan nyo lalagyan ang sarili nyo?" Biro ko, hindi sya umimik
Bad trip ba talaga o nag iinarte lang?
"Meroon ako A-Ches," sagot nya pagkaraan ng ilang segundo
"Nakuha nga lang," dagdag nya
"Aduy!" Pang-aasar ko, nilagay nya naman sa labi ang hintuturo nya para manahimik ako
Ano o sino kayang kumuha ng puso, isip at common sense nya? Haha
Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng KSJ, inihinto niya iyon sa mismong harap ng kompanya at saka lumabas.
"Sir, saglit lang!" Habol ko, umikot sya at pinagbuksan ako ng pinto
Teka, di nya ito ginawa sa akin dati ah?
"Bakit ka nakatulala? Labas!" Iritado nyang utos, beastmode nanaman sya
"Good Evening Sir.Min!" Bati ng mga tao roon
Mas kilala pa sya rito kaysa sa sarili nyang kompanya!
Hindinpa rin sya nagpapakilala, sa fourth anniversary nalang daw dahil tinatamad pa sya.
Dumiretso agad kami sa elevator at pinindot niya ang 21st floor
"Ang taas," bulong ko
"Ganoon din sya babagsak," tugon nya
"Ang bitter nyo," biro ko
Napagalaw ng kusa ang mga mata ko nang magbukas ang pinto ng elevator.
Ang ganda!
![](https://img.wattpad.com/cover/107943589-288-k925693.jpg)
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...