Chapter 33

224 11 1
                                    

(Sammy's P.O.V.)

Pinag-bake ko ng cookies si Jungkook ngayong Martes bilang pasasalamat na naging kaibigan ko sya at pinagtatanggol nya ako kay Han Yeok.

"Tsss duh," bungad ni Han Yeok nang masalubong ko sya sa hagdan

Ang sarap ihagis ng mga cookies sa kanya, pasalamay sya mahal ko ang mga cookies ko.

Pagpasok ng opisina ay abala ang lahat sa paggawa ng bagong design sa bagong project theme na floral.

"Good morning!" Bati ko

"Good morning!" Bati nila pabalik

Lumapit ako kay Jungkook at binigay sa kanya ang lalagyan ng mga cookies.

"Uy haha! Hala, ano ito?" Sabi nya at kumuha ng isa at kumagat

"Jungcookies," sagot ko

"Ang sarap," sabi nya at kumuha pa ng isa

"Salamat," sabay naming sabi

Ngumiti ako at naupo na sa desk ko.

"Sammy," tawag nya habang ngumunguya

"Oh?" Tanong ko

"Gala tayo mamaya," aya niya, napaisip naman ako doon

"Uy magde date sila!" Pang-aasar ng tsismosang si Joo Young

"Sino? Si Sammy at Jungkook!?" Tanong naman ni Yoseob habang nakangiti naman ng malapad si Ih Dae

"Tumigil nga kayo," sagot ko, halata naman sa ngiti ni Jungkook na tuwang-tuwa syang naaasar ako

"Ano!?" Depensa nya nang samaan ko sya ng tingin

"Taray Jungcookies pang nalalaman," sabi ni Joo Young

"Paniguradong may nilagay syang gayuma dyan, duh, obvious ka girl," pagpaparinig ni Han Yeok nang dumating na sya

"Uy sino yung nagsalita?" Biro ni Yo Seob

"Bwiset ang hangin, Woah!" Sabi ni Joo Young

"$U6@60 ang baho! Hahahaha," dagdag ni Ih Dae kaya nagtawanan nalang kami ay napaismid naman si Han Yeok

"So ano?" Tanong ni Jungkook

"Hoy Sammy sa susunod, gawan mo rin kami, damot mo!" Sabi ni Yoseob

"Oo nga," pagsang-ayon ni Ih Dae

"Para maramihan Jungcake naman," biro ni Joo Young

"Yehey Jungcake!" Sigaw nila

Mga sira-ulo talaga sila...

"Hoy bakit naririnig ko ang pangalan ko ha?" Tanong ni Manager Jung na kararating lang rin

"Wag kang assuming Manager Jung, hindi ikaw yun!" Sagot ni Yoseob

"Ah ganun, oh eto, files, i encode mo dyan sa iyo," sabi nito at binagsak ang tambak na papel at designs

"Hala!" Sigaw ni Yoseob kaya nagtawanan nalang kami

Tinignan ko si Jungkook na napapatawa nalang sa kalokohan nung apat.

"Ahhh, nga pala Jungkook, sige gala tayo," sabi ko

"Mamaya ko na rin uubusin ito," sabi nya at iniligpit ang cookies

Binuksan ko ang computer at binuksan ang files ng mga draft kong mga design.

"Magtrabaho ng maayos ha!" Sabi ni Manager Jung bago umalis, may nakasunod namang anino na bumulong

"Kahit kailan talaga walang class," sabi nito, pero nawala ang inis ko at napangiti nalang.

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon