Chapter 22

307 14 3
                                    

(Sanyel's P.O.V.)

Dahil sa isang tawag, kinailangan namin ni Kuya na mag-leave ng isang linggo

"Baby," tawag nya, nag-aalala ang boses nya na sabay ng paglalambing sa akin

"Bakit?" Walang gana pero mataray kong sagot

Aalis na kasi sya ngayon at maiiwan akong mag-isa rito

"Eee~ baby, huwag ka nang magtampo," sabi nya sabay halik sa noo ko

"Yuck kuya!" Reklamo ko

"Baby," tawag nya ulit bago umupo sa harap ko at magpa-cute

Nakakainis sya buwiset

Tinignan ko lang sya

"Minsan lang naman ako bumalik doon eh," sabi niya

"Pero ngayon isang Linggo kang mawawala, hmmmph!" Pagtataray ko

"Baby naman eh, huwag ka nang magtampo ha," sabi niya at niyakap ako

Paano akong hindi magtatampo?
Pupunta lang naman sya sa mga magulang nami- nya pala...

"Magpasama ka nalang muna kay A-Ches ha," sabi nya habang yakap yakap ako

Di ko na napigilang umiyak, pinunasan nya naman agad ang mga luha ko at nagpa-cute sya tapos niyakap nya ako ulit

"Ano bang gagawin mo doon kuya?" Tanong ko

"Kahit ano, bibisitahin ko lang naman sila, alam mo namang hindi kita iiwan at pababayaan eh," sabi niya at kumawala sa pagkakayakap sa akin

"Day off nya naman ngayon, tatawagan ko sya para samahan ka ha," dagdag nya

"Bakit mo alam na day off nya?" Pag-iiba ko

"Kasi-teka nga tatawagan ko," sagot niya, nabahala sya

Hala, may gusto ka ba sa kanya, kuya!? Hihihi

Kahit ganitong sitwasyon, di ko mapigilan ang pagpipilosopo ng utak ko

"Hello, Ches?" Sabi nya

"Bakit? Papunta palang ako dyaan ngayon," sagot nito

"Sakto! Aalis kasi ako dahil pupunta ako kayla mama, pakisamahan muna si Sanyel oh," sabi ni kuya

"Oo naman kayo pa!" Sagot ni A-Ches

"Sige at aalis na ako, oo, sige bye, oo, salamat," rinig kong sabi ni Kuya bago ibaba ang tawag

"Mag-ingat ka kuya," sabi ko, niyakap nya ako ng mahigpit, pinigil ko ang luha ko

Nang nasa pintuan na kami ay tinignan ko syang naglalakad palayo

Lumingon sya sa akin at tinignan ako ng may pag-aalala, pagkatapos ay tumakbo sya pabalik sa akin at niyakap ako ng mahigpit

"Hanggang maaga pipilitin kong makabalik agad ha," sabi niya

"Ok lang kuya, darating rin ang panahon na may mag-aalaga sa akin at may aalagaan ka na ring iba," sagot ko

📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁📁

"Hala, isang linggo!?" Ulit ni A-Ches, tinanong nya kasi kung ilang araw si Kuya doon

"Ewan ko nga bakit ang tagal eh," sagot ko

"Baka namiss lang nila ng ganoon si TaeHyung," sabi niya, napatingin ako sa kanya

"Oh, sorry na sorry na!" Sabi nya habang nakataas ang kamay

"Pero syempre pati ikaw Sanyel," biglang kumalma ang boses nya

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon