Chapter 37

219 14 0
                                    

(A-Ches's P.O.V.)

"Hello Cheon Sa?" Tawag ko

"Oww?" Sagot nya

"Nasaan ka? Pauwi ka na ba? Samahan mo muna si Sanyel sa kanila," sagot ko

"Oh! Hohoho, sakto malapit na ako, hoho," sabi nya

"Sige, salamat, ingat, bye," paalam ko at ibinaba ang tawag

Natanaw ko na ang isang kotse sa labas ng bahay at lumapit ako roon.

What the...

"Sir.Kim?" Nagtataka kong tawag, napatingin naman ako sa katabi nyang babae

"Shin Ah?" Napalingon naman sila sa akin

"A-Ches!" Bati nya at niyakap ako ng sobrang higpit

"What a small world di'ba?" Sabi ni Sir. Kim

"Si Sir.Kim ang engaged sa iyo!?" Tanong ko kay Shin Ah, tumango naman sya

Di ako makapaniwala... Too much coincidence... Sya ang in-arrange marriage sa kanya?

"Pero teka, Sir.Kim, buti nalang at kayo, kailangan ko ng tulong nyo," sabi ko

"May mga miscalls nga kayo, ano bang meron?" Tanong nya

"Hindi pa raw umuuwi si Sir.Min simula nang mag-away kami," sabi ko

"Huh!?" Sigaw nya

"Teka, wait, what? Nag-away kayo!?" Tanong nya, halos mapunit na ang mata nya sa panlalaki nito

"Opo, mahabang kuwento, pero basta, hindi pa raw sya umuuwi sabi ni Sir. Park," sagot ko

Napapiksi nalang sya, nakikinig lang samin si Shin Ah.

"Isa lang naman pinupuntahan nya pag wala ako eh," sabi nya at napaisip

"Saan po?" Tanong ko

"Naaalala mo ba yung sinabi kong pagkulong nya sa kuwarto? Pag wala ako, pumupunta sya sa isang lugar at doon sya nagpapalipas ng gabi," sabi nya

Sa Ferris Wheel?

"Shin Ah, magpahinga ka na muna, doon tayo sa kuwarto ni Cheon Sa, may hahanapin lang kaming tao," sabi ko at pinagbuksan sya ng pinto

"Sige, ingat kayo ha," sabi nya

"Ako na ang bahala sa sarili ko, sige na at maghanap na kayo," dagdag nya

"Goodnight Shin Ah," paalam ni Sir. Kim

"Goodnight din," sabi nya at hinalikan sa pisngi si Sir.Kim

"Sige na," sabi nya at lumabas na kami ni Sir.Kim, tumunog ang cellphone ko at tinignan iyon

'Miss na kita A-Ches, kailan tayo puwede magkita? Nakauwi na ba si Shin Ah?'

Oo nga pala, si Min Jae.

'Nandito na sya Min Jae' sagot ko, pumasok na rim kami ni Sir.Kim sa sasakyan ni Shin Ah

"Di talaga ako makapaniwalang ikaw ang engaged kay Shin Ah," sabi ko

"At di ko naman lubos maisip kung bakit di uuwi si Yoongi nang dahil lang sa pag-aaway nyo," sagot nya

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon