Chapter 76

360 5 0
                                    

(Jimin's P.O.V.)

Yoongi...

Hindi ko magawang lapitan si Yoongi. Nandito lang ako sa carpark at nakatingin sa kaniya habang nagtatago sa ibang kotse. Gusto ko siyang kausapin, ngunit hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. Hanggang sa nakapasok na siya sa loob ay hindi ko man lang nagawang tawagin ang atensyon niya.

Wala sa sarili akong pumasok sa loob ng kotse ko at hinayaang dalhin ako saanman. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa labas ng MY Company at pinagmamasdan ang istruktura nito. Natinag lamang ako nang may marinig akong mga pamilyar na boses.

"Mauuna na ako, dahil mas marami akong gamit sa iyo!"

"Teka lang baby hintayin mo ako!"

Nagtago ako sa kalapit na puno nang mapansing sa gawi ko sila papunta. Ang magkapatid na Tae Hyung at Sanyel. Hindi ko alam kung ayos na ba sila, pero masaya akong makita na nakangiti sila ngayon. Lumabas ako mula sa pagkakatago nang matiyak kong nakapasok na sila sa loob.

I hope you're really doing fine Sansan...

Malapit na sana ako sa kotse ko nang marinig ko ulit ang boses ng kapatid niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Galit na mukha ang nakita ko nang lingunin ko siya. Hindi ko siya masisisi kung hanggang ngayon ay may galit pa rin siya sa akin. Sinaktan ko ang pinaka mamahal niyang kapatid.

"Ah!"

Tumunog ang emergency alarm ng sasakyang nabangga ko sa lakas ng pagkakasuntok niya sa akin. Ramdam ko ang laghapdi ng ibabang labi ko at nalalasahan ang magkahalong pait at alat ng dugo ko.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita ulit rito!"

Nasundan ang suntok niya nang mga sapak at tadyak sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Isa, dalawa, tatlo, apat, hanggang sa hindi ko na mabilang. Hinayaan ko ang sarili kong masaktan dahil kulang pa ito sa mga nagawa kong pananakit sa mga taong mahal ko, at para na rin magising ako sa katotohanang nabulag ako at nagpagamit sa isang manloloko.

"Ugh!"

Tumigil lamang siya nang hindi na ako makatayo pa at nanatili nalang n nakahiga sa lapag. Magpapahinga nalang ako mamaya sa loob ng kotse ko hanggang sa magkaroon ng lakas upang magmaneho pauwi.

"Paano mo mapoprotektahan ang kapatid ko, kung hindi ka marunong lumaban,"

Tinignan ko siya na ngayon ay may blangko nang tingin sa mga mata. Tumalikod siya at iniwan akong nakahandusay sa lapag. Mukhang galit na galit nga siya sa akin dahil sa dami ng sugat at pasa na ibinigay niya sa akin. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko bago tumayo at muling lumakad papunta sa sasakyan ko, pero nahinto ako dahil sa babaeng ngayon ay gulat ding nakatingin sa akin.

Sansan...

Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagkatitigan, pero hindi natinag ni isa sa amin. Nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Kuya Jin, saka lang ako kumilos at muling lumakad upang magpanggap na hindi ko siya nakita.

"Chimchim," tawag niya bago pa man ako makalagpas.

Sa kamay niya ay isang puting panyo na may disenyo ng G-Cleft sa paligid. Tinignan ko siya ng may pagtataka, ginantihan niya lang ako ng ngiti.

"Hindi ko naman kailangan ng panyo,"

"Pero darating at darating ang punto na wala ka nang magagawa kung hindi ang umiyak," tugon niya

Ang marinig muli ang boses niya ay isa nang biyaya para sa akin ngayon. Paano niya nagagawang kausapin ako na parang wala akong ginawa para masaktans siya ng husto? Bakit kaya niya akong pakalmahin sa oras na gulong-gulo na ako kahit pinipilit kong maging kalmado!?

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon