Chapter 65

295 6 2
                                    

(Tae Hyung's P.O.V.)

"Hindi talaga ako makapaniwala," halos walang boses na si mama nang banggitin nya ito

Hindi na mabilang kung ilang beses nya na ito sinabi simula nang makatulog na ulit si Sanyel.

Kapwa sila ni Papa na lugmok na nakasandal sa upuan habang pinagmamasdan si Baby.

"B-Bakit ngayon mo lang ipinakita ang video, TaeHyung?" Tanong ni Papa

Napahinga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Dahil..."

"Dahil hindi puwedeng masira ang reputasyon ng kompanya," pagpapatuloy ko

Muling napahagulgol si Papa pero pinigil nya iyon.

"I- I'm sorry my son," sagot nya

"Kung hindi ko lang inuna ang k-kompanya, hindi ka sana maghihirap sa kapatid mo," dagdag nya

"Wag kayong magsorry sa akin Papa dahil katulad mo inuna ko rin ang kompanya," kontra ko sa kanya

"At hindi ako nahirapan sa pag-aalaga kay Sanyel, iyon ang pinagkaiba natin," dagdag ko

"Kung nakikinig lang sana ako sa kanya noon," bulong naman ni mama

"Hindi oras ngayon para magsisi, ang dapat na gawin ngayon ay ang paraan kung paano kayo makakabawi," sabi ko

"And now if you'll excuse me, I will go back to the event to fix the big problems left there," dugtong ko bago tumayo at lumakad patungo sa pinto

"TaeHyung, anak," tawag nila, nilingon ko sila at tinignan ng may pagtataka

"Salamat... Ng marami," sagot nila, tumango lang ako at saka tumuloy sa paglabas ng pinto

Pero habang naglalakad palang ako sa pasilyo ay may nakasalubong na agad akong demonyo

"Nasaan si-"

"HAYOP KA!" Sigaw ko sabay suntok diretso sa mukha nya dahilan para bumagsak sya sa lapag

Napatingin lahat ng tao sa paligid pero hindi ako nagpaawat at saka sya inundayan ng magkakasunod pang suntok.

"NILOKO MO ANG KAPATID KO! NILOKO MO ANG KOMPANYA MO! ANG KOMPANYA NAMIN!"

Sunod sunod ang pinakawalan kong suntok sa kanya. Hindi sya lumalaban kaya lalo akong nanggigil dahilan para masakal ko sya.

"Sir, tama na!" Awat ng ibang nurses doon

Maya maya rin ay dumating din ang mga guwardiya at pilit akong hinihila palayo sa pesteng lalaking ito!

Nagawang hilain ng guwardiya ang kamay ko kaya nakahinga pa ang $U6@60!

"T-TAEHYUNG TAMA NAAAAA!"

Napatingin ako kay A-Ches kasama si Sir. Min na tumatakbo patungo sa direksyon namin.

"W-Walang mangyayari sa pananakit mo sa kanya," sabi niya saka ako inilayo mula sa mga guwardiya

Nakita ko ang mga nanlilisik na mata ni Sir. Min. Pinagmasdan ko sya at napansin na may nakabalot na tela sa kanyang kanang kamay. Pawis na pawis din sya at may pasa sa may panga.

"Umalis na muna tayo rito," sabi niya habang nakatitig kay Jimin

"WAG NA WAG NYONG PAPAPASUKIN YAN SA KUWARTO NG KAPATID KO!" Sigaw ko habang hinihila ako paalis nila A-Ches

Tumango naman ang mga guwardiya at ang kadarating lang na mga doktor ni Sanyel na si Kang Jun at Cheon Sa na kasama si Manager Jung.

"Kami na muna ang bahala dito sa kapatid mo Tae Hyung, bumalik na muna kayo sa event para ayusin ang mga naiwang gulo," sabi ni Cheon Sa

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon