Chapter 20

315 15 1
                                    

(Sammy's P.O.V.)

"Ikaw ha, dala-dalawa!" Biro ni A-Ches

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam," sagot ko, ngumiti sya sa akin na parang alam na ang tinutukoy ko

"Ang- ang bait niya kasi, hindi ko alam, alam mo naman ako," sabi ko sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin ko, ang gulo

"Huwaw," sabi niya na nakangiti ng malapad

"Pero bumabalik pa rin kasi kay TaeHyung eh, nakakaasar, gusto ko na nga syang kalimutan eh," anas ko

"Sige kalimutan mo yung tatlong taon sa ilang araw lang ni Jungkook," sabi niya

"Ang sama ko, kasi dalawang tao ang gusto ko," anas ko

"Dalawa?" Ulit niya

"Oo," sagot ko

"Isa lang, alien kaya yung isa," biglaan nyang biro at napatawa nya agad ako, baliw talaga siya hahaha

"A-Ches!?" Sigaw mula sa hagdan, speaking of the alien and his sister hahaha

"Oh, gutom na ako," sabi ko, bago kami makalapit kayla Sanyel ay hinawakan ni A-Ches ang balikat ko at bumulong

"Normal lang ata iyan, dahil si Baby Jin ang gusto ko pero parang type ko rin si Sir.Min," sabay kindat

Ano raw!?

Lumapit na rin si Jungkook

"Ay! Nakalimutan ko iyong kay Jungkook," sabi ni TaeHyung

"Huh?" Sabi ni Jungkook na mukhang nadismaya, binatukan naman ni Sanyel si TaeHyung kaya natawa kami

"Aray! Syempre joke lang," sabi ni TaeHyung at pinisil si Sanyel

"Hoy TaeHyung, bakit di mo ako nililibre ha!?" Reklamo ni A-Ches

"Ano bang ginagawa mo rito? Shoo dun ka kay Sir.Ano," sabi ni TaeHyung

"Buwisit kang alien ka!" Sigaw ni A-Ches

"Joke lang, syempre naramdaman kong sasama ka ngayon, ito oh, blueberry cheesecake," sabi ni TaeHyung

"Sa wakas TaeHyung," sabi ni A-Ches na kinuha ang lalagyan

Binelatan lang sya ni TaeHyung na parang bata at bumalik nanaman ang pagkagusto ko sa kanya

Yung tipong parang kinakabahan ka

"Sayang, kay Sammy pa naman sana iyan," biro niya

"Sira ka kuya," sita ni Sanyel

"Alam ko kasing kulang pa iyong isa sa iyo kaya bumili ako ng extra eh, hahaha," sabi niya, napangiti ako

Maiinsulto ba ako o matatawa dahil sa kanya pa nanggaling?

"Di naman siguro," sabi ni Jungkook at naupo kami at kumain

"Baby oh," napatingin ako kay TaeHyung na pinagtitripan si Sanyel

Kahit na ganoon pa ang sabihin niya sa akin, gusto ko pa rin siya...

(Seokjin's P.O.V.)

Ano na kayang nangyari kay Yoongi?

"Yung schedule nyo po?" Tanong ni Jimin

"Alam ko," sagot ko

Actually, nakahanda na yung mga damit ko

Napangiti naman ako

"Bakit ka nakangiti diyan?" Tanong ni Jimin na nakangiti rin, sinagot ko sya ng iling

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon