(A-Ches's P.O.V.)
"Dali!" Sigaw ni Jin habang hatak ako pabalik ng sasakyan nya
Nakakapagod pala syang kasama!
"Buti nalang at naaalala ko ang lugar na iyon, siguradong masisiyahan ka doon," nakangiti nyang sabi habang sinisimulan ang sasakyan
Gabi na, kumusta na kaya si Sir.Min?
"Kanina ka pa talaga malungkot, sana magustuhan mo doon," sabi ni Jin, nginitian ko nalang sya at umiling iling
Ano ka ba A-Ches, ito na yung pinakahihiling mo oh, may so called date na kayo ni Baby Jin mo!
Pero nag-aalala lang naman ako kay Sir.Min eh...
Naupo nalang ako at tumingin sa labas ng sasakyan.
"Ayaw mo ba sa arcade?" Tanong nya
"Gusto ko!" Sagot ko
"Eh, bakit parang ang lungkot mo?" Tanong nya, ngumiti nalang ulit ako bilang sagot
"Baka si Yoongi na iyan ha," anas nya, nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon
"Hindi ah!" Depensa ko
"N-Narinig mo?" Tanong nya
$U6@60! Bulong niya nga lang pala iyon!
"Defensive," dagdag nya habang nakangisi
Wala na akong naisagot pa at napasinghap nalang sa katangahan ko, narinig ko naman ang paghalakhak nya.
"Wag ka nang mag deny Ms.Park," sabi niya, napatigil nalang ako
Gusto ko ba talaga si Sir.Min?
"Kahit ako ang kasama mo, alam kong sya ang nasa isip mo," dagdag niya
Tama nga siya, pero sya ang crush ko.
"Akala mo lang na crush mo pa rin ako dahil nakikita mo ako at dahil kasama ako sa kontrata nyo," sabi nya
May punto sya pero... Pero... Teka? Ano daw!?
Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka, halata sa bibig nya na napatikom sya.
"A-Alam mo?" Tanong ko, nalilito ako na nagtataka na nahihiya dahil sa pagtingin niya sa akin
"A-Alam ang alin?" Tanong niya
Nililigaw nya ba ako ng topic!?
"Yung tungkol sa k-kontra, kontrata namin," sagot ko, nag-aalangan pa akong ulitin iyon dahil sa kahihiyan
"Andito na tayo," pag-iiba niya nanaman
Napatingin ako sa labas at nasa tapat na nga kami ng isang arcade.
"Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa kontrata nyo," sabi nya habang tinatanggal ang seatbelt
Napatango nalang ako at sumunod sa kanya palabas.
"Nag-a-arcade ka pala talaga," sabi ko habang nakatingin sa paligid nang makapasok na kami
"Akala mo ba nagbibiro lang ako!?" Sabi nya habang tumatawa
Natawa nalang rin ako dahil sa pagtawa niya, nasabay kasi na magkatunog ang pagtawa nya at ang pagpunas ng lalaki sa isang glass screen.
"Doon tayo!" Aya niya at hinila ako papunta sa isang game
"Nakakalito ito eh," sabi nya at nagsimulang kalikutin ang monitor
Parang guitar hero yung game pero imbes na nota, mga bars ang lumalabas.

BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanficKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...