Chapter 45

189 9 0
                                    

(A-Ches's P.O.V.)

"ARRRGHHH!"

Bwiset! Ngayon pa nagloko itong email ko!

Napangiwi nalang ako habang inuulit ang pagtatype ng password ko.

"Oh, anong nangyare sa'yo?" Tanong ni TaeHyung

"Hindi ko maopen yung email ko, nakakabad trip," sabi ko, ayaw talagang mag-open kaya napasandal nalang ako sa upuan

"By the way, A-Ches, mauna na ako," sabi nya, napatingin naman ako sa kanya na tumalikod agad

"Oh, Sammy, Jungkook!" Bati ko sa dalawa na kapapasok lang

"Hoy A-Ches," tawag ni TaeHyung kaya tinignan ko ulit sya at kumaway bago sya lumabas

"Hi A-Ches, nasaan si Manager Jung?" Tanong ni Sammy

"Wala pa nga eh, maya maya nandit-"

"Goooodddd Mooorrrrniiing!"

"Speaking of the horse, andyan na," sabi ko

Ngiting-ngiti itong naupo sa upuan nya habang nakatingin sa cellphone nya.

"Pinagkakaabalahan nyo Manager Jung?" Tanong ni Jungkook

"Ito," nakangiti nyang sagot sabay pakita ng isang picture na ikinatayo ko

"Aba!" Sigaw ko na may halong panenermon at pang-aasar, paano ay kasama nya si Cheon Sa sa picture

"Yung kapatid mo A-Ches?" Sabi ni Sammy, tumango nalang ako

"By the way, A-Ches, nakita mo na yung mga bagong files?" Tanong ni Manager Jung

"Ay oo nga pala, iyon ang pinunta ko rito!" Sabi ni Jungkook

"Manager Jung, anong maitutulong ko?" Tanong ni Jungkook kay Manager Jung

"Hindi ko pa nakikita, nagloloko yung e-mail ko eh," sagot ko naman

"Hala? Paano yun?" Tanong ni Manager Jung at binuksan ang laptop nya

"Jungkook marunong ka naman diba?" Tanong ni Sammy

"Na?" Tanong ni Jungkook

"Magrecover ng email," sagot ni Sammy

"Ahhh, oo, basta walang virus ng ano hahaha!" Napatawa naman kami dahil naintindihan agad namin ang sinabi nya

"Sira-ulo ka Jungkook ha, walang ganun!" Sabi ko at inulit ang pagtype ng password pero ayaw talaga

"Paano ba ito?" Tanong ko, importante kasi ang email ko, bakit kaya nagloloko?

"Mamaya susubukan kong gawin," sabi ni Jungkook

"Papaano mo makikita yung files?" Tanong ni Manager Jung

"Hmmmm manghihiram nalang muna ako ng email," sagot ko

"Kay Sammy," biro ni Jungkook

"Wag!" Sagot agad ni Sammy

"Siguro may virus yun," biro ni Manager Jung kaya natawa kami

"Panigurado!" Sang-ayon ko

"Salbaheee!" Sabi nya, natawa nalang kami lalo dahil namumula na sya

"Alam mo Sammy, natural lang na magkavirus ang email ng mga accounts mo, yung mga pictures kay crush, ayaw mo pang pabuksan, alam ko naman na ako lang laman ng email mo eh," biro ni Jungkook

"So virus ka?" Tanong ni Sammy

"So inaamin mong may pictures talaga ako sa e-mail mo?" Ganti ni Jungkook

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon