Chapter 56

190 6 3
                                    

(TaeHyung's P.O.V.)

Maganda ang sikat ng araw ngayong umaga. Maaga akong nagising kaya nagjogging nalang ako para mawala ang antok, pag natulog kasi ako ulit sasakit lang ang ulo ko.

Bumili na rin ako ng dalawang mainit na kape bago bumalik, sigurado kasing tatamarin nanaman bumangon si Baby.

"Baby!" Gising ko sa kanya, napamulat agad sya at tinapunan ako ng masamang tingin

"Bangon na!" Sigaw ko, nag-ikot ikot lang sya sa kama at hindi bumangon kaya niyakap ko na sya patayo

"Bangon sabi!" Sigaw ko

"Oo na!" Reklamo nya at nagpatiuna sa paglabas ng kuwarto

"Sungit mo, ganyan ba talaga kapag brokenhearted?" Pang-aasar ko, lalong sumama ang itsura nya habang iniinom ang kape

"Bilisan mong kumilos at dadaanan natin si A-Ches," sabi ko, napatingin naman sya sa akin

"Tayo ang susundo sa kanya?" Tanong nya

"Oo, baka kasi hindi pumasok iyon sa sama ng loob," sagot ko, pagkaubos ng kape ay naligo na sya at nagbihis, hinintay ko sya sa kotse at umalis na kami

"Nakakatakot talaga si Cheon Sa pag galit," sabi nya, natawa naman ako

"Oo nga eh, parang lalamunin ka ng buhay," pagsang-ayon ko

Saktong pagkababa namin sa tapat ng bahay nila ay nandoon na si Cheon Sa na kumakatok sa pinto.

"Good morning Cheon Sa!" Bati ko, nagulat naman sya at napaigtad sa pagbati ko

"Uy! Oh! Ha! Hoho! Tae Hyuuung! Sanyeeeeeel!" Sigaw nya, parang walang nangyare kahapon dahil hyper nanaman sya

"Saan ka galing?" Tanong ni Baby

"K-Kayla Ho Seok," sagot nya na ikinapanlaki ng mata namin

"Kayla Manager Jung!?" Ulit namin

"Hohoho! Oo!" Sagot nya, bumukas ang pintuan at muli kaming nagkagulatan

"Oh? Anong ginagawa nyo rito? Cheon Sa, pumasok ka, nagluto ako ng pagkain," sabi ni A-Ches, niyakap naman sya ni Cheon Sa

"Waaaah! Sorry ateee!" Sabi nito, tinawanan lang sya ni A-Ches

"Abnormal, wag mo akong dramahan, kumain ka doon, aalis pa kami," sabi ni A-Ches at pinalo ang pwet ni Cheon Sa, dumaing naman ito at pumasok

"Buti ok agad kayo?" Tanong ni Baby

"Kami pa ba? Magkapatid eh hahaha!" Sagot ni A-Ches

"Eh bakit itong si Baby, kahit kailan di ak- aray!" Di ko pa man natatapos ang sasabihin ay nahampas nya na ako, natawa nalang kami ni A-Ches at pumasok sa loob ng kotse

Masaya kaming nagkukuwentuhan at nagbibiruan hanggang sa marating na namin ang MY Company. Nakasabayan pa namin si Sir. Min na iritado nanaman ang tinging ipinupukol sa akin.

Hahaha! Maybe he really thinks that I have an affection with this stupid girl named A-Ches haha! Hell No!

"Nginingisi mo dyan?" Tanong ni A-Ches kaya pinigil ko ang tawa ko, this girl doesn't know I'm saying negative things about her inside my head, hahaha!

"Oh!" Sabay sabay kaming nagulat nang makita ang apat na nakatuon ang pansin sa dalawa na magkaharap ngayon

"Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you~" malambing na pagtapos ni Jungkook sa birthday song para kay Sammy na sinabayan ng hiyawan ng mga mokong

Teka, ano bang petsa ngayon? Bakit ko nakaligtaan!?

"Woooo grabe kung mag-effort Jungcoke!" Biro ni Yoseob

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon