(Sanyel's P.O.V.)
Haaaay, may mas bibigat pa pala sa karamdaman ko. Ang damdamin ko.
"Baby," tawag ni Kuya habang luhaang nakahawak sa aking kamay
Sinuklian ko sya ng nagtatanong na mga mata.
Dekada... Pinaabot nya ng dekada ang sakit na nararamdaman namin...
Sa gitna ng pag-uusap namin sa isipa'y bigla nalang akong napahagulgol ng iyak. Niyakap nya ako ng mahigpit at sinuklian ko rin iyon ng mas mahigpit pa.
"A-anak,"
Lalo akong napahagulgol nang marinig ang boses ni- ni Mama...
"Kuya," sambit ko, sumisikip muli ang dibdib ko sa daming naiisip, ni hindi ko alam kung anong mararamdaman ko
Matutuwa ba ako dahil alam na nilang ako talaga si Sunny Yellow? Na hindi ako ang napagkamalan nilang anak- napagkamalan nilang Cyrie.
O magagalit pa ng lubusan dahil hindi nila ako nakilala- hindi nila ako kinilala. Basta basta nalang nila akong pinagtabuyan, itinago.
Napaalam sa buong mundo na namatay ang anak nilang babae. Kaya kinailangan nila akong itakwil nang di lang man ako tinitignan? Para saan? Sa negosyo. Sa pangalan.
Ngunit ngayon wala na. Wala na silang maitatago dahil inilahad na ni Kuya ang lahat. Inilahad nya sa pagpalit nya sa puwesto kay P-Papa sa pagiging C.E.O. ng SunnyTech.
"Baby sorry sorry," hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig ang paghingi ni Kuya ng tawad simula nang magkamalay ako
Galit ako sa kanya. Oo, nalilito nagtatampo, nagagalit, naiinis! Kung bakit nya pinatagal ng ganito!? Na natiis nya na masaktan ako, na magkaroon ako ng mahinang puso.
"Baby, patawarin mo si Kuya,"
Pero kahit gaano ako kagalit sa kanya. Kahit gaano kahina ang puso ko. Hindi ko kayang makita na umiiyak si Kuya ng ganito.
Ramdam ko ang pagsisisi sa bawat patak ng luha nya. Ang sinseridad sa bawat bigkas nya ng patawad. Ang pagmamahal nya kahit na gaano pa kasakit ang nararamdaman namin.
"K-Kuya, sorry," bulong ko
Paano ay kapatid ko sya. Sya lang ang tanging pamilya kong dumamay sa akin. Sya lang ang masasandalan ko, mapagkakatiwalaan ko, maaasahan ko. Kaya ko syang patawarin dahil sya ay ang nag-iisa kong Kuya.
"T-Tahan na Baby b-baka atakihin ka p-pa ulit," sabi nya sa garalgal na boses
"P-Paano ako t-tatahan kung pat-ti ikaw umiiyak!?" Sagot ko, kumawala sya sa yakap at pinahid ang mga luha sa pisngi at saka ngumiti kahit lumuluha
Napangiti nalang rin ako habang patuloy ang paglandas ng luha sa pisngi. Napatingin sa dalawang tao na ngayon ay tikom ang bibig, hindi alam ang sasabihin sa lahat lahat ng nalaman.
Pumikit ako at huminga ng malalim bago sila muling tignan.
"Ako po, ako po si Sunny Yellow," lakas loob kong pagpapakilala, pigil iyak silang lumapit sa akin at saka ako niyakap ng napakahigpit na para bang walang bukas
"H-Hindi namin alam kung paano kami manghihingi n-ng kapatawaran sa iyo anak!" Hagulgol nila
Sobrang sakit ng puso ko ngayon sa halo halong emosyon na nararamdaman habang magkakayakap kaming apat.
Pero sila ang pamilya ko. Kahit na gaano pa katagal ang samaan ng loob namin...
"P-Patawarin mo sana kami anak, alam namin na hindi ganoon kadali ang makuha ang pagpapatawad mo, h-hayaan mo sana kaming bumawi sa lahat lahat ng mga pagkukulang namin," sabi ni Papa
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...