Chapter 26

237 12 1
                                    

(TaeHyung's P.O.V.)

Napatingin ako sa cellphone kong bigla nalang tumunog.

'Tae Hyung, walang kasama si Sanyel 😞 may emergency kasi dahil kay Sir.Min eh, sorry'

Inilapag ko ang cellphone at tumingin sa pinto

Kailangan ko nang umuwi...

"Anak," tawag ni Papa

"Pa, kailangan kong umuwi," sagot ko

"Pasensya na, hindi puwede madi disappoint yung mga ka-"

"Pero paano si Sunny Yellow?" Tanong ko sa buong pangalan ni baby, umiwas sya ng tingin

"TaeHyung, ilang beses ko bang sasabihin na hindi sya ang kapatid mo," mabagal nyang litanya

Paulit ulit nalang talaga!

"Papa," madiin kong tawag, tumayo ako para kausapin sya

"It's for her own good," sabi nya

"Her own good or yours?" Sagot ko, sobrang nagagalit na ako dahil hindi pa rin sya nakikinig sa amin

"Tae Hyung, watch your words," banta nya

"Watch your words more Papa, pag may nangyaring masama kay Baby, hindi ako tutuloy rito, you knew how much I hated this life," sagot ko

"Don't you dare TaeHyung," sabi nya, halatang may galit na rin sya sa ekspresyong ipinapakita

"Sana lang hindi sya atakihin, dahil ako mismo ang magtataboy na naging magulang namin kayo," sabi ko

"Tae Hyungn!" Sita ni mama na nasa pintuan lang

Mama, isa ka rin, kung ano lang ang nakikita mo, iyon lang ang pinapanigan mo...

Tinignan ko muna sila bago umakyat sa kuwarto ko

Sana okay ka lang Sanyel...

Naupo ako sa kama at iniyak lahat ng sama ng loob ko

Bakit ba ayaw nilang tanggapin si Sanyel!?

"Damn it!" Sigaw ko at hinagis ang nahawakang libro

Hindi ko sila maintindihan!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya

"Kuya?" Sagot nya

"Baby, kumusta na?" Tanong ko

"Wala akong kasama, pero ok lang naman ako," sagot nya

"Sorry Baby," sabi ko

"OK lang kuya, iniwanan naman ako ng chocolates ni A-Ches, hahaha," sabi nya

"Hahaha, baliw talaga iyon," sabi ko at napangiti

"Geh na kuya, manonood pa ako, balik ka kaagad ha, kakain pa ako ng chocolates bye!" Sabi nya

"Sige, sige wag magpapagod ha," sabi ko

"Sige na!" Sabi nya, may narinig naman akong tunog na nagsisimula na ang isang movie mula sa Warner Bros

"Ang sweet mo ta-"
Binabaan na ako ng tawag

You are so sweet...
I know I can trust you...

(Jimin's P.O.V.)

Naglalakad lakad lang ako sa bahay nang makita si Yoongi na pababa ng hagdan

"Insan!" Tawag ko

"Oh?" Sagot nya

Akala ko sleep walking nanaman eh, nandito pa naman si tito

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon