Chapter 8

15K 338 7
                                    

CHAPTER EIGHT

HEAVEN'S POV

Dumiretso na kaagad ako sa school, wala narin naman ang sakit nang ulo ko. It's just a blood sugar. Tss.

Nag-park na ako sa parking lot at himala wala si DA daga. Buti naman at walang maninira ng araw ko. Tss.

Naglakad na akong papuntang classroom pero biglang may humarang sa aking limang babae. "Are you EJ Dela Quinto?" tanong nung nasa gitna nila.

"Do you want to know who I am?" malamig na tanong ko sa kanya. Napangisi naman ito at nag-cross arms.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, let me introduce myself" nakangiti niyang sabi sa akin. "Eh paano kapag ayaw ko?" malamig na tanong ko sa kanya. Nakita ko namang napasinghap siya dahil sa tanong ko pero pilit na ngumiti nalang sya sa akin.

"I'm Xylene, DA's girlfriend" sabi niya sa akin at nilahad ang kamay niya.

"Okay..." sabi akmang lalagpasan ko na sana ito ng biglang hilain niya ang buhok ko.

"Aray!!" iritang sabi ko. Halos matanggal na sa anit ang buhok ko. Imbyerna ka!! Pati ba naman buhok ko trip mo!!

"You better stay away to DA dahil sisiguraduhin kong hindi kana makakabalik sa mundong ito" sabi niya at patuloy na hinihila ang buhok ko. Mahigpit ko namang hinawakan ang braso niya . Inikot ko naman ang kamay niya at tinulak sya dahilan ng pagbagsak niya.

"And you better stay away from me, because I will make sure na mas mauuna kang mamatay kaysa sa akin.." inis na sabi ko habang tinuturo siya, napalayo naman ang mga kasama niya dahil sa sinabi ko. Tss, mabubuking ako neto dahil sa danggit na to eh.

"Xylene!!!" napatingin naman kami lahat sa tumawag sa kanya. Nice, and her night and shinning armor came. Tss.

"DA!!" sabi neto at dali-daling tumakbo sa girlfriend niyang danggit. Tss, napaarte, sa harap ko napakademonya kapag sa harap naman ng boyfriend niya napaka-angel. Tss.

"What happened?" tanong ni DA sa girlfriend niyang danggit. Dumadami narin ang mga taong nanonood yung iba kumukuha pa ng litrato. Hindi naman kami artista para maging sikat. Tss.

"D-DA, bigla nalang syang nanunulak, naglalakad l-lang kami ng bigla niya akong t-tinulak" tss, napakasinungaling mo, sipain ko tong danggit na to eh!

"Turuan mong rumispeto yang girlfriend mo parang walang natutunan sa values..."

"O sadyang wala talagang values..." sabi ko at tinabingi ng kaunti ang ulo ko na dahilan ng pag-kairita neto. Napa-owww naman ang mga lalaking nasa paligid namin, pati sila nakikichismis, Tsk!

"Ikaw babaeng malan-"

"Stop it Xylene" pigil ni DA kay Xylene na akmang susugurin ako. Tss, magsama kayong dalawa dahil parehas naman kayong isipbata. Pshh.

Tinalikuran ko naman ito at dumiretso sa classroom ko. Nakita ko naman si Kimber na iniintay ako sa corridor.

"Okay ka na ba talaga?" tanong sa akin ni Kimber na bakas parin ang pag-aalala sa mukha niya.

"May dahilan ba para maging okay ako?" malamig na tanong ko sa kanya na ikinalungkot ng mukha niya. Pilit naman ang ngiti ko sa kanya.

Sabay na kaming pumasok at nagsimula narin ang klase.

***

DA'S POV

Nagbabasa lang ako sa cellphone ko ng wattpad, alam kong nakakabakla pero kikiligin ka talaga. Bigla namang may tumatakbong estudyante dun sa kasama niya.

"Pre halika panoorin natin yung nag-aaway dun!" yaya niya dun sa kaibigan niya "Bakit sino nanaman yung nag-aaway?" tanong nung niyayaya niya, "Si Xylene atsaka..... sino ba yun?" sabi niya habang kinakamot ang ulo niya, "Ano ba yan pre, kinakalawang na yang utak mo, ahahahah!!" tumatawang sabi neto. "Hindi eh, nakalimutan ko kasi yung pangalan, basta nerd pero ang lamig niya" sabi niya habang ini explain kung sino ba yung kaaway ni Xylene. "Ahh yun si EJ yung sa Section A1" sabi naman nung lalaki, natinding naman ang tenga ko dahil sa sinabi niiya at dali-daling binulsa ang cellphone ko. Tumakbo naman ako papunta dun sa maraming tao at nakita ko si Xylene na nakaupo sa sahig at napatingin naman ako kay EJ na ganun parin ang tingin.

"Xylene!!" sigaw ko napatingin naman sakin si Xylene "DA!" sigaw niya at dali-daling tumakbo sa akin at yumakap sa akin. Okay, this is weird, hindi ko naman siya girlfriend kaya wag siyang umasta, Tss!

"What happened?" tanong ko kay Xylene habang nakatingin kay EJ na malamig parin ang tingin sa akin "D-DA, bigla nalang syang nanunulak, naglalakad l-lang kami ng bigla niya akong t-tinulak" mangiyak ngiyak na sabi niya sa akin. Napatingin naman ako kay EJ na nakabulsa na ang kamay sa pocket niya.

"Turuan mong rumispeto yang girlfriend mo parang walang natutunan sa values..."

'Wait, girlfriend???'

"O sadyang wala talagang values..." sabi niya habang nakatabingi ang ulo. Napa-oww naman ang lahat dahil sa pambabara niya kay Xylene. "Ikaw babaeng malan-" sabi ni Xylene na akmang susugurin ito pero pinigilan ko siya kaagad "Stop it Xylene" pagkasabi ko nun ay naglakad na palayo si EJ

'Kahit kailan talaga ang hilig niyang mang-iwan, Tss'

***

Natapos na ang klase at nandito ako sa parking lot, bubuksan ko na sana ang sasakyan ko ng may magsalita "Acura, open" napatingin naman ako kung nasan ang nagsalita at nakita ko naman si EJ na biglang bumukas ang pintuan ng sports car niya.

'C-Cooool'

sabi ng isip ko, pero bago pa siya pumasok ay tinawag ko siya "EJ!" napatingin naman siya, at lumapit naman ako dito. Ganun parin ang tingin niya, malamig parang isa nga lang ang expresyon niya eh, C-O-L-D!

"Sorry about Xylene hin--"

"Wag mo ngang akuin yung kasalanan niya" napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang binabasa ang utak ko "Hindi mo naman kasalanan pero inaako mo.." malamig niyang sabi habang nakabulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng uniform. Para akong naging statwa dahil sa sinabi niya, pero kahit hindi ko kasalanan eh dapat mag-sorry ako. Ngumisi naman ito bago sumakay sa kotse niya at iniwan ako dito mag-isa. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na hindi ko girlfriend si Xylene.

'Pero bakit ko naman kailangang sabihin sa kanya? Tsk! That nerdy girl, napakamisteryoso....'

Nakauwi na ako sa bahay at nakita ko naman si Gian na nanonood ng basketball. Tumabi naman ako sa kanya at hindi niya naman napansin na tumabi ako sa kanya "Gian.." napatingin naman siya sa akin "May itatanong ako sayo" sabi ko sa kanya habang nanonood ng basketball. Alam kong napatingin siya sa akin "Ano yun?" tanong niya habang nakatingin sa akin "M-May napapansin ka ba kay EJ?" tanong ko sa kanya, napaupo naman siya ng maayos na parang inuusisa si EJ "Bakit mo naman natanong?" takang tanong niya sa akin, "Hindi kasi parang kakaiba siya, napaka-misteryoso ba" sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

Urgh!! Alam ko na hindi niya maiintindihan ang sinasabi ko pero napakamisteryoso talaga nung babaeng yun!

END OF CHAPTER EIGHT

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon