Chapter 76

7.1K 147 8
                                    

CHAPTER SEVENTY SIX

Samantala patuloy parin sa paghahanap si Gian, patuloy parin ang pagbuhos ng ulan. Tinawagan nya na rin si Kimber at DA para humingi ng tulong ngunit hindi rin nila makita si EJ.

"Dammit! Asan ka na ba?" naihampas ni Gian ang kamao nya sa manibela. Nasapo nya ang kanyang noo dahil sa nag-aalala na sya kay EJ.

Biglang nag-ring ang phone nya at nakita nyang si Tita Leille yun. Agad nyang kinuha yun at sinagot.

"Hello Tita?"

"Ano Gian! N-Nakita mo na ba si Heaven?"

"H-Hindi parin po Tita...."

"Pumunta ka na ba sa condo nya?"

"Yes Tita, pero wala sya dun..."

"Eh s-sa puntod ni A-Almira..."

Agad na napakunot ang noo ni Gian dahil sa sinabi ni Lilia. "Tita saan po yung cemetery?"

"Sa St. Mandatalton Cemetery....b-baka andun, k-kaibigan nya si Almira kaya alam kung andun s-sya...."

Agad na diniretso ni Gian sa cemetery kung saan ang puntod ni Almira. Puno ang pag-aalala ngayon ni Gian dahil sa magdidilim na at malakas ang ulan.

Kimber: Ano Gian? May alam ka na ba kung nasan si EJ??

Agad na sinagot ni Gian ang mensahe ni Kimber.

'Baka nasa St. Madatalton Cemetery daw sya, papunta na ako dun...'

Nang makarating si Gian ay pinasok nya ang kanyang kotse. Nagpalinga linga sya kung nasan ba si EJ.

Masyadong malakas ang ulan kaya natatakpan ang mga puntod. Nakasakay parin si Gian sa kanyang kotse at patuloy na hinahanap si EJ.

Sumunod ang malakas na kulog at kidlat sa kalangitan. Dahil sa liwanag ay may naaninag si Gian na nakahiga sa isang puntod.

Tinignan nya yun ng maayos. Isang malakas na kulog at kidlat agad na nanlaki ang mata nya.

"Shit!" usal nya, agad syang bumaba ng kotse niya at dinampo ang malakas na ulan para makuha si EJ. Nang makalapit ito ay nakita nya ang natutulog na EJ at nanlalamig narin ito.

"EJ... EJ!!" dumating narin si DA at Kimber at dinampo rin ang ulan "Damn!! EJ wake up!" sabi ni DA, binuhat na ni Gian si EJ, parang nakaramdam si DA ng sakit dahil dun, iniwas nya kaagad ang paningin nya.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon