Chapter 119

5K 93 2
                                    


Play the Music while reading this chapter..

Nakasuot ng itim na dress si EJ, may balak itong puntahan. Hanggang ngayon ay hindi parin makapasok si EJ dahil sa may ilang masakit pa sa kanyang katawan.

Kinuha nya ang kanyang bag at sinara ang pinto, naglalakad lang ito ng mapahinto ang kanyang paa sa tapat ng kwarto ni Seth.


Napalunok sya dahil sa parang wala syang balak na pasukin ang kwarto neto. Tinignan nya ang suot suot parin nyang singsing na nasisinagan ng araw.

Hinawakan nya iyon tsaka binalik ang tingin sa pinto ng kwarto ni Hexxon. Hanggang sa pagbaba nya sa hagdan ay puro memorya ni Seth ang naaalala nya.

Tinignan nya ang sala kung saan nakuha ng isang halik si Seth kay EJ. Parang isang malaking ulap ang nasa ibabaw ni EJ dahil sa nakaraan.

Dinako nya ang tingin kung saan laging nagluluto si Seth ng paborito nyang sinigang, biglang tumulo ang isang likido sa pisngi ni EJ na ikinagulat nya.

Ganito ang sakit na nararamdaman ngayon ni EJ dahil sa pagkawala ni Seth, hindi nya naisip na ganito kukunin ang kanyang buhay.

Nangarap syang magsusuot sya ng puting gown at lalakad sa harap ng altar habang naghihintay ang taong papakasalan nya at mamahalin nya habang buhay, at walang iba kung hindi si Seth.

Ngunit nawala ang lahat ng yun dahil sa maaga pagkuha sa kanya. Sana hindi nalang sya naging pasaway....

Sana inintindi nya nalang si Seth.....

Sana pinakinggan nya man lang ito....

Sana nailigtas man lang ni EJ si Seth sa panahong nasa panganib ang buhay neto....


Puro sana na ngayon naramdaman ni EJ. Puro sana na hanggang sa salita nalang at hindi na magagawa dahil sa huli na para matupad ito....



Sa isip isip nya ay kasalanan nya ang lahat, gusto nyang makasama ang minanahal pero alam nyang may rason kung bakit kailangan nya pang mabuhay...

May pamilya sya na nakilala nya......

May mga kaibigan na inintindi sya sa gitna ng nararamdaman....









Nakatayo sa isang puntod kung saan nakalibing ang taong minahal nya ng apat na taon. Nakaukit ang kanyang pangalan kung saan nakalagay kung kailan rin ang pagkamatay neto.

Naramdaman ni EJ ang pagpatak ng ulan na nakikisabay sa pagpatak rin ng kanyang luha.

Napaupo sya sa damo at tinignan ang pangalan ni Seth habang binabasa sya ng ulan na tila pinaparusahan sya neto.

Tila naghahalo ang patak ng ulan at ang kanyang luha, sa pakiramdam nya ang naging sayang ang lahat....

Naging sayang ang lahat dahil sa apat na taon silang nagsama...

Naging sayang dahil sa mga alaalang inipon nilang dalawa ni Seth...

Naging sayang dahil sa maaga netong pagkawala dahil sa pangarap ni EJ na magkaroon ito ng sariling pamilya...


Unti unting tinanggal ni EJ ang singsing sa kanyang daliri, tila dinudurog ang puso nya dahil sa pagtanggal neto.

Sumunod ang kulog ang kidlat sa ulat na kay lakas, nanginginig nyang inilagay sa puntod ni Seth ang singsing.

Hinaplos haplos nya ang puntod neto at tila parang nakikita nya ang repleksyon ng mukha ni Seth na nakangiti sa kanya na mas lalo nyang ikinatulo ng kanyang luha.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon