Chapter 66

6.6K 143 2
                                    

HEAVEN'S POV

Nasa classroom parin kami at last subject nanamin ito ng biglang mag-announce si Ma'am Bella head ng History.

"By the way class, I have a good news to all of you.." nakangiti sabi ni Ma'am Bella kaya hindi maiwasang mag-sibulungan ang mga estudaynte.

"Sa sabado na ang masquerade ball niyo!" ang iba ay nag-sigawan ang iba naman ay nainis dahil sa Wednesday na ngayon at hindi sila kaagad makakapamili ng gowns. Tsk

"Ma'am graded ba ang pagpunta diyan kagaya ng dati?" tanong ni Kacey kay Ma'am Bella.

"Nope, sigurado naman kami na lahat kayo ay pupunta sa ball" nakangising sabi ni Ma'am Bella, iniligpit ko nalang ang gamit ko at hindi nalang nakinig.

"Psstt! Pstt.." napatingin naman ako sa gilid ko at nakita kong nakayuko si Kimber.


Kumunot naman ang noo ko "Pupunta ka?" tanong niya sa akin, nag-kibit balikat nalang ako.


Lumabas na ang mga estudyante, at kasama ko na rin si Kimber,pagkalabas namin ay nakita namin si Hazel at Gian na magkasama.


Lalapit na sana si Kimber ngunit hinawakan ko kaagad ang braso neto "Tara na." giit na sabi ko sa kanya.


"Per—"


"TARA NA" tigas na sabi ko sa kanya na ikinayuko naman niya. Napasinghap naman ako.


Nakita ko naman si Seth na nakasandal sa kotse niya na para bang may hinihintay.


Napatayo naman siya ng maayos ng makita nya ako "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.


"Hinihintay ka" sabi niya sa akin at lumapit na dahilan ng pagkakunot ng noo ko.


"Para saan naman?" tanong ko rito.


"Ihahatid kita?" sabi niya na para bang hindi pa siya sigurado.


Bubuksan na sana niya ang pinto ng biglang may naalala ako. "Wait lang, hintayin mo ako dito." malamig na sabi ko.


"May nakalimutan ako" magsasalita na sana siya pero inunahan ko na sya at nag-lakad palayo.


Pumunta kaagad ako sa locker ko, pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang puting sobre.


Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang letrang C. Nahigpitan ko ang pagkakahawak ko dun sa papel dahil sa iisa lang naman ang nagpadala neto.


Dali-dali kong nilukot yun at itinalon sa basurahan. Kinuha ko ang libro ko sa history.


Saglitan kong tinignan ang lukot na papel na galing kay Cosmo. Mag-lalakad na sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko.


"A-Ahh—" matutumba na sana ako ngunit may humawak sa braso ko. Nakapikit parin ako dahil sa sumasakit parin ito.


"Are you okay?" napamulat ako at napatingin kaagad sa may hawak ng braso ko.


At nakita ko si Gian na hawak hawak ang braso ko. Napatayo naman ako ng maayos at inalis niya na ang kamay niya.


"Oo, okay lang ako..." agad akong nag-lakad palayo sa kanya at iniwan siya.


Pagbalik ko ay nakita ko si Seth na nasa loob na ng kotse. Nang makasakay ako ay pinaharurot niya na ang kotse.


Nang makarating ako sa bahay ay nakita kong napatayo si Heather at Mommy.


"Anong meron?" tanong ko sa kanila dalawa, nagsitinginan pa sila dalawa.


"H-Heaven, ang daddy ni Eljone..."


"W-wala na sya.." 



END OF CHAPTER SIXTY SIX














BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon