Chapter 132

4.5K 77 1
                                    


Pagkarating ng bahay ni EJ pakiramdam nya ay init na init ang buo nyang katawan.


Ginamit nyang pamaypay ang kanyang kamay, tila rumirihistro ang halik sa kanya ni Gian kaya mas lalong tumutulo ang kanyang pawis.


"Doc Emerald?" napatingin si EJ dahil sa batang nag-salita at nakita nyang si Zasha ito.


Oo nga pala, hindi alam ni Zasha na si EJ ang kapatid ni Heather "What are you doing here po?" tanong ni Zasha, lumuhod naman si EJ para magkasing height sila neto.


"Where's your mother?" tanong ni EJ sa batang si Zasha.


Tumakbo si Zasha papuntang kusina, sumunod naman si EJ at nakita nya si Heather na nagluluto.


"Mommy!" agad na napatingin si Heather sa kanyang patakbong anak na si Zasha.


"Zasha!" agad na yumakap si Zasha sa kanyang ina, napangiti naman si EJ dahil sa mag-ina.


"Mommy, bakit andito si Doc Emerald?" napatingin naman si Heather kay EJ.


"Zasha.." yumuko si Heather at tumingin sa anak nyang si Zasha.


"From now on, you will call her Tita Heaven okay..." napakunot naman ng noo ni Zasha.


"Tita Heaven? But her name is Emerald" takang sabi ng bata, napangiti naman si Heather dahil dun.


"You should call her Tita because she's my sister" unti unting dinako ni Zasha ang kanyang tingin kay EJ.


"Kaya pala parang kamukha niya si Lola" sabi ni Zasha, natawa nalang si EJ at Heather dahil dun.









Quarters of Luna Gang



Kasalukuyang nag-eensayo ang mga tauhan ni Zero, habang sya ay nilalaro parin ang rubrics nya.


Nakataas pa ang mga paa nya sa kanyang lamesa, biglang dumating si Nash at inilapag ang isang folder.


"Nandyan na ang lahat ng tungkol kay Emerald Reyes.." sabi ni Nash, inilagay naman ni Zero ang rubrics sa lamesa at nakangising binuksan ang folder.


Nakita nya ang mukha ni EJ na nakasuot ng hospital gown, nandito rin kung kailan sya pinanganak at kung saan sya nagtapos ng pag-aaral.


"Umalis na sya sa Santa Catalina Hospital, hanggang sa ngayon ay wala parin syang pinapasukang hospital.." usal ni Nash na mas lalong ikinangisi ni Zero.


"Good job Nash" napatango naman si Nash at lumabas kaagad nang opisina neto.


Nakangisi naman si Zero habang tinitignan ang larawan ni EJ kasama ang mga impormasyon neto.


'It will be a pleasure to see you again Kinter..'











END OF THE CHAPTER

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon