Maagang nagising si Emerald wala pa ang sikat ng araw ay hindi niya inantala ang oras dahil meron pa siyang ichecheck na pasyente.
Bumaba sya papuntang kusina para maghanda ng almusal, parang binagsakan ito ng ulap sa ibabaw ng ulo neto.
Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan niya ang tampuhan nilang dalawa ni Hexxon tungkol sa pagbalik nila ng Europe.
Napapaisip siya kung bakit hindi man lang hiningi ni Hexxon ang opinyon niya, ayaw niyang iwan ang Pilipinas ng hindi nya natatapos ang mga pasyenteng pinangakuan nya.
Hinahanap niya ang pan, binuksan nya ang mga cabinet ngunit wala ito dun.
Binuksan niya ang nag-iisang cabinet na malapit sa ref, pagkabukas nya ay may isang hugis kahon na may lock.
Napakunot ang noo ni Emerald dahil sa wala namang dinala si Hexxon ng pumunta sila dito sa Pilipinas.
Malaki ito, bubuhatin niya sana ito ngunit masyadong itong mabigat.
Napasinghap nalang sya dahil dun dahil sa paghahanap niya ng pan ay napunta sa isang kahon na may mabigat na laman.
Agad nyang sinarado yun at hinanap ang pan.
6:00 na ng matapos na mag-ayos si Emerald ng kanyang sarili, tinignan nya muna ang kanyang sarili sa salamin.
Lumabas sya sa kanyang kwarto kasabay nun ay ang pag-labas ni Hexxon na nakasuot nang puting sando.
Iniwas ni Emerald kaagad ang kanyang tingin ng magkatama ang tingin nilang dalawa ni Hexxon.
"Emerald" akmang lalagpasan nya si Hexxon ngunit nahuli kaagad neto ang kanyang braso na dahilan ng pagkatigil neto.
"Just li—"
"I need to go Hexxon" malamig na sabi ni Emerald kay Hexxon na dahilan para bitawan nya ang braso neto.
Bumaba na si Emerald papuntang garahe, napasinghap sya sa kanyang noo, hindi nya alam kung bakit ganun sya umasta ngayon kay Hexxon, parang may mali lang talaga kay Hexxon.
Nakarating kaagad si Emerald sa hospital, papasok na sya sa hospital ng makasalubong nya si Mr. Antipuesto.
"Oh hija.." sabi sa kanya ng matanda habang nakangiti, lumapit ito at kasama nya ang asawa at anak neto.
"Goodmorning ho.." bati nya sa pamilya neto, ngumiti naman sa kanya ang asawa neto ngunit ang anak netong babae ay diretsong nakangiti sa kanya at hindi man lang gumawang ngumiti.
"Nako hija... hindi ko makakalimutan ang tulong mo" dahil dun ay parang nahiya si Emerald.
"Ginawa ko lang naman ho ang tungkulin ko.." nahihiyang sabi ni Emerald dito.
"Oh sige na hija at mauna na kami" ngumiti naman si Emerald bilang tugon.
Napatingin sya dahil nasa harap nya parin ang anak ni Mr. Antipesto, nakatingin lang sa kanya ito ng diretso.
"Thank you for saving my dad's live.." sinsiridad nyang sabi, dahil dun ay pilit na ngumiti si Emerald kay Xylene.
"Your welcome" sabi nya, lumabas na si Xylene sa hospital.
Di kalayuan ay nakatingin si Lanisha kay Emerald, naka-cross arms ang braso neto at nakangising nakatingin kay Emerald.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AcciónCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?