Chapter 121

4.8K 78 6
                                    


Maagang pumasok si EJ sa hospital, naging maayos narin naman ang kanyang pakiramdam kaya pwede na syang mag-trabaho.

Pumunta sya sa reception center at bumungad sa kanya si Wendy. Nagtama ang kanilang pero mas iniwas ni Wendy ang kanyang tingin.

Napasinghap nalang si EJ dahil dun "Do I have any patients?" napatayo ng maayos si Wendy dahil dun.

"Wala ho Doc Emerald.." parang kumabog ang dibdib ni EJ dahil sa tawag sa kanyang Emerald. Hindi nila alam na si EJ ang kaharap nila at hindi isang Emerald Reyes.

Tumango nalang si EJ bilang sagot at pumunta kaagad sa kanyang opisina.

Hindi naisip ni EJ na ganito pala ang malalaman nya na itinago sa kanya ni Seth ng anim na taon.

Minsan naitatanong nya sa sarili kung ano ang ugali nya dati? Kung paano sya makihalubilo sa ibang tao, pero mas inuuna nya muna ang alamin ang kanyang sarili.









"Sa tingin mo kamusta na si EJ?" napatigil sa pagsusulat si Lianna dahil sa tanong ni Kimber.

Ilang segundo itong nag-isip "I think she's okay, she's a doctor remember.." sabi ni Lianna na ikinatango naman ni Kimber.

"Pero hindi ko parin maiwasang mapakali Lianna..." naging seryoso ang tono ng boses ni Kimber, napakunot nalang ng noo si Lianna.

"Why?" tanong ni Lianna at itinigil ang mga papeles na pinipirmahan nya.

"W-What if...What if Cosmo came back?" tila kumabog ang dibdib ni Lianna dahil sa tanong ni Kimber. Saglitan itong natigilan.

"W-What if gawin niya nanaman ang ginawa nya kay EJ?" nag-aalalang tanong ni Kimber.

"P-Paano kung malaman nyang buhay si EJ---"

"Stop thinking negative things Kimber.." nilagay ni Lianna ang dalawang kamay nya sa braso ni Kimber para pakalmahin ito.

"Paano ako hindi makakapag-isip ng masama kung hindi pa nakikita si Cosmo at patuloy paring gumagawa ng masama?"

"H-How Lianna?"

Napasinghap nalang si Lianna dahil dun, may punto rin si Kimber. Habang hindi parin nakikita si Cosmo ay patuloy parin ang pag-gawa nya ng kasamaan.

"Just calm down Kim-"

"Ma'am.." napatingin ang dalawa dahil sa tawag ng sekretarya nila "May new client daw ho kayo..." tumango nalang si Lianna bilang sagot.

"Papasukin mo nalang sya.." inayos naman nilang dalawa ang kanilang sarili dahil sa bagong kliyente.

Unti unting bumukas ang pinto "What can I-" napatigil sa pagtatanong si Kimber ng makita nya ang babaeng pumasok sa opisina nila.

Napakunot ang noo ni Lianna dahil sa ekspresyon ni Kimber na parang gulat ito sa bagong pasok na kliyente.

Nagulat si Vanessa dahil hindi nya inaasahan na ang papasukan nya palang building ay pag-mamayari ni Kimber.

"V-Vanessa.." tawag ni Kimber na tila hindi parin makapaniwala sa taong kaharap nya ngayon.

Hindi nya inaasahan na sa building nya lang ito makikita, sa isip isip nya ay nagbago na ito hindi na ito ang Vanessa na naghahabol sa isang lalaki.

Iba na si Vanessa ngayon....










Inunat ni EJ ang kanyang mga braso dahil sa mga ginawa nya ngayon. Pagod na pagod ang katawan nya at gusto nya ng umuwi.

Buti nalang at tapos na ang kanyang shift at pwede na syang umuwi. Kinuha nya ang kanyang bag at lumabas ng kanyang opisina.

Naglalakad lang sya palabas ng ospital ng bumungad sa kanya si Gian na nakatayo sa kanyang harapan.

Napakunot ang noo ni EJ dahil dun at unti unting lumapit kay Gian "What are you doing here?" tanong ni EJ kay Gian.

"Pwede ba kitang ihatid?" napakunot ang noo ni EJ at tila parang nakita nya ang repleksyon ni Seth sa mukha ni Gian.

Tila nadurog ang puso ni EJ at nagsisimulang magsi-ipon ang kanyang luha sa kanyang mata.

Napakunot naman ng noo si Gian dahil dun "Hey are you-huk!" nagulat si Gian dahil sa biglang pag-yakap sa kanya ni EJ.

Napakunot narin ang noo nya ng marinig nya ang pag-hikbi ni EJ. Hindi nya maiwasang mag-alala kay EJ, ayaw nyang nakikita itong nasasaktan kung maari lang ay ibigay nalang sa kanya ang sakit at sya nalang ang magdurusa para kay EJ.

"L-Let's go home.." pilit na ngiting sabi ni EJ, tumango nalang bilang sagot si Gian pero hindi nya parin maalis ang pag-aalala kay EJ.




Samantala ay nakangising nakatingin si Lanisha sya naglalakad palabas na si EJ at Gian.

"It will be a big surprise hmm...." nakangising sabi ni Lanisha, ibinulsa nya ang kanyang phone at dumiretso na sa kanyang opisina.














"Hey Zero..." napatingin si Zero nag tawagin sya ni Nash na kakapasok palang ng quarters.

"Nabalitaan mo bang namatay yung lalaki kinausap mo..." napakunot ang noo ni Zero dahil sa sinabi ni Nash.

"What" seryoso ang tono ni Zero dahil sa binalita ni Nash "Is that Seth? Pumunta kami ni Dad sa burol nya last week..."

Tila napakunot ang noo ni Zero dahil dun pero mas lumamang ang ngisi sa kanyang ngiti.

"Nash.." tawag nya dito, napataas naman ng kilay si Nash "May ipapagawa ako sayo..."

"What?" tanong ni Nash at iniharap si Zero na nilalaro parin ang rubrics na hawak.

"Find her fiance and give me some in formations about her..." nakangising sabi ni Zero. Tinutukoy nya si EJ, alam nyang fiance nya si Seth kaya mas madali nya itong mahahanap.

'Kinter....I'm already here watching you..."






END OF CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE




BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon