Chapter 1

31.1K 559 45
                                    


CHAPTER ONE (EDITED VERSION)

HEAVEN'S POV

Ekkkkkkk!!!!!

Eeekkkkkkk!!!!!!

Eekkkkkk!!!!!!!

BOOUGGSHHH!!

Naihagis ko ang sarili kong alarm clock na nakakarinde ang tunog tuwing tutunog ito. Napamulat naman ang kanan kong mata dahil sa pagbukas ng pintuan.

"OH MY GOD!! Ej WHAT DID YOU DO?!!!" mala- OA na react ni Mommy dahil sa sirang alarm clock lang e' grabe siya kung makareact.

"Nothing Mom, it just disturbs my sleep" sabi ko at tinakpan ng unan ang mukha ko para bumalik sa pagtulog.

PAAKK!!

Hampas ni Mommy sa pwet ko "Mom!!" suway ko sa kanya at hinimas ang pwet ko.

"HINDI MO BA ALAM KUNG ILANG ALARM CLOCK NA ANG BINILI DAHIL KO DAHIL SA KAKAHAGIS MO!!" she's mad right now. Tss. Halos itakip ko na ang mga kamay ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Mom!! Ano ba?!! Wag mo nga ako sigawan sa umaga!! Tss!" muntik ko ng masabunutan ang ulo ko dahil sa sakit ng ulo ko. Kay aga aga maninigaw. Tss.

"Get out of my room, mag-aayos na ako" bumalik naman ang pagiging malamig ng ulo at tono ng boses ko.

"Urgh!! Just fix yourself!" akala ko mahihimatay siya dahil sa inis. Pinipigilan niya lang ang sarili niya. Padabog na isinara niya ang pinto dahil sa gigil na gigil na siya.

Pumasok na ako sa cr at naligo na.....

AFTER A FEW MINUTES..

Pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalyang nakasabit sa mga braso ko. Nang pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang isang malinis na uniporme. Napahawak naman ako sa noo ko at napamura.

"Puta, hindi man lang nila sinabi na may uniform pala tsk" binandera ko naman ang uniform ko at tinignan ito. Napansin ko naman na masyadong maikli ang palda neto.

"Tsk, hindi naman ako mag-proprostitute.." sabi ko at pumasok sa cr at dala ang uniform na halos makita na ang singit mo dahil sa iksi neto.

Pagkalabas ko ay tumingin kaagad ako sa malaking salamin malapit sa kama ko. "Paano ako magpapanggap neto, kung ganito yung suot ko. Badtrip" napasinghap nalang ako dahil sa inis. Pinalamig ko muna ang ulo ko dahil ayokong masira ang araw na ito. First day ng school, ayokong mabuking kaagad na ako ang gangster princess.

Sinuot ko na ang makapal kong salamin. Actually wala naman talaga itong grado sadyang props lang para sa pagpapanggap ko. Bumaba na ako at nakita ko naman si Mommy and Daddy na kumakain na.

Pagkaupo ko ay kaagad na nagsalita si Daddy. "Baka naman sa first day mo may maka basag-ulo ka na" napahawak naman ako ng mahigpit sa kutsara ko dahil sa pangingielam ni Daddy sa pagiging basag-ulo ko.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon