Maagang gumising si Emerald, ayaw nyang makasabay si Hexxon dahil sa hindi nya parin makalimutan ang nangyare kagabi, pakiramdam nya ay hindi sya nakatulog dahil sa kakaulit na eksena sa kanyang isipan.
Mabilis na nag-ayos ng mga gamit si Emerald. Oo, iniiwasan nya si Hexxon, nandun parin ang pangamba at takot sa isipan ni Emerald, hindi nya maialis yun sa sarili.
Dumiretso ito sa hospital, pagkarating nya ay kaunti palang ang mga tao dahil sa maaga siyang pumasok. Ang iba ay nagtataka dahil sa maagang niyang pag-pasok ngunit sinuklian niya nalang ito ng ngiti.
Dumiretso sya sa kanyang opisina at inayos ang mga ilang papel.
Sa mga oras na yun ay hindi niya naramdaman ang pag-unti unting pag-pikit ng mata niya.
6:00 am
Napadilat si Emerald dahil sa sunod sunod na pagkatok sa pintuan ng kanyang opisina. Agad niyang inangat ang ulo at dali-daling pumunta sa pinto.
Pagkabukas niya ay isang malutong na sampal ang bumungad sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisngi at nakita nya ang galit na galit na si Lanisha.
"What the heck did you do Lanisha?!" napahinto ang lahat ng mga nurse dahil sa malakas na boses ni Emerald.
"Walang hiya ka! Kung ano anong kinakalat mo sa ospital na to ah!" napakunot nalang ang noo ni Emerald dahil sa sinabi ni Lanisha.
"Anong kinalat? Tungkol saan?" naguguluhang tanong ni Emerald, napangiwi naman si Lanisha dahil sa pag-mamaangmaangan na hindi siya ang nagkalat ng chismis.
"Tungkol sa amin ni Producer. Kang, sinabi mo na nilalandi ko siya para ako na ang mamahala sa ospital!"
"I don't know what are you talking about Lanisha!" napangiwi nanaman si Lanisha, galit na galit sya kay Emerald dahil sa kinalat neto.
Oo, inaamin niyang lagi nya ng kinakasama si Producer Kang, ngunit mali ang kinalat neto dahil may importante silang pinag-uusapan neto.
"Wag ka ng mag-sinungaling Emerald, alam kong naiinggit ka sa akin dahil sa mas mataas ako sayo kaya nag-papakaplastik ka sa iba!"
Narinig ni Emerald ang mga bulong bulungan ng mga nurse at mga tao. Agad nyang tinignan si Lanisha na ngayon ay masamang nakatingin sa kanya.
"Paano mo nasabing ako ang nag-kalat ng chismis?" seryosong tanong ni Emerald kay Lanisha.
"Tsk! Paano ko nasabi? Well sino pa ba ang inggit na inggit sa akin at gusto niya akong siraan sa iba?"
"Diba ikaw...." napangiwi si Emerald, pinapakalma nya ang kanyang sarili na wag sugurin si Lanisha, ayaw nyang umabot ito kay Producer Kang na ikakagalit neto.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AcciónCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?