CHAPTER FIFTY FIVE
DA'S POV
Matagal na ring nasa ospital si EJ, stable naman daw ang kalagayan niya kaya baka maaari na siyang magising.
Kinuha ko ang isang box sa bag ko, tinitignan ko lang ito dahil sa ito ang regalo ko kay EJ.
Hindi naman sa birthday niya, binilhan ko lang talaga siya, sinamahan pa ako ni Lianna para pumili kung anong bagay sa kanya.
Kwintas, yeah! Si Lianna ang pumili dahil sa wala talaga akong alam kapag sa babae kung anong ireregalo ko sa kanila. Syempre playboy eh.
Inilagay ko ito sa bag ng dumating ang prof, "Okay class, hindi tayo magklaklase ngayon"
"OMG! For real!!"
"Yieee!!!! Omg!! Makatulog muna!!!"
"But please proceed to the computer lab now" nawala ang mga ngiti sa kanilang mukha at nabahidan ng lungkot.
"Makakasama nyo ang Section A4" nagsimulang magbulungan ang mga estudaynte.
"This is to test your reading comprehension if may natutunan ba kayo sa English niyo" napasinghap ang lahat dahil dun, kasama na rin ako.
Okay naman ang mga grades namin sa English pero bakit kailangan pa ng ganyan?
***
Nagsipuntahan na kamimg lahat sa computer lab at nakita narin namin ang Section A4 na nakapila malapit sa pinto.
Napakunot ang noo ko dahil sa pumasok si Lianna sa computer Lab. T-Taga Section A4 sya?!
Pumasok na kami sa loob at anak ng baka nga naman! Katabi ko si Lianna!
Oh bakit naiirita ka? Katabi mo lang naman, anong big deal dun??
Nag-sign in kaming lahat at parang hindi aware si Lianna na katabi niya ako.
"Okay class, kapag mahaba ang next paragraph tama ang sagot niyo, if maikli mali ang sagot, understood?" napa-yes ang lahat dahil dun.
Nagsimula na ang pagsasagot ng lahat, unang paragraph palang ay mahaba na kaagad, medyo naguguluhan ako dahil sa mga words. Nang pinindot ko ang sagot ko ay nagulat ako dahil sa umikli ang paragraph!!
Pumili ulit ako ng sagot pero maikli ulit ang paragraph na kasunod, muntikan ko nang masabunutan ang buhok ko dahil baka bumagsak ako dito!!
Huminga ako ng malalim at binasa ng maayos ang paragraph, medyo nanginginig pa ang kamay ko dahil baka ang sunod neto ay maikli nanaman.
Pero bago ako makasagot ay napatingin ako sa computer ni Lianna, nanlaki ang mata ko dahil sa mabilis netong pag-sagot at puro mahahaba pa ang paragraph!!
"Magsagot ka nalang" agad akong napatingin sa computer ko ng mag-salita suya "N-Nagsasagot naman ako ah" sabi ko habang nakatingin sa monitor.
"Tss" rinig kong sabi nya at pinagpatuloy ang pag-sasagot.
***
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AksiyonCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?