Chapter 127

4.6K 88 1
                                    


"Kimber.." tawag ni EJ kay Kimber na may inaayos sa kanyang mga papeles, kasalukuyang nasa opisina ni Kimber si EJ, wala ang kasama netong si Lianna, nag-leave muna ito para makasama ang kasintahan neto.

Napatingin naman si Kimber "Pwede bang samahan mo ako sa hospital?" napakunot naman ang noo ni Kimber dahil dun, "Bakit?" sabi ni Kimber habang inalalagay ang mga papeles sa iisang folder "May bibisitahin lang ako.." napatango naman si Kimber dun, gusto niyang makasama rin si EJ dahil maraming taon itong hindi niya nakasama.

Mabilis na inayos ni Kimber ang mga papeles at umalis narin ng building. Hanggang ngayon ay hindi nya maitago ang saya dahil sa nakasama nya na muli ang kanyang kaibigan, kahit ganyan si EJ ay hindi nya maiiwasang mahalin ito na parang sarili nya na itong kapatid.

"Where's the room of Shakes Galvez?" tanong ni EJ sa reception counter.

"Ma'am na-" natigilan si Wendy dahil sa nagtanong sa kanya at nakita nya si EJ.

"D-Doc.." nauutal niyang sabi dahil na rin sa gulat.

"Wendy.. The room please.." agad na hinanap ni Wendy ang room ni Shakes si Kimber ay nanatiling walang imik.

"Nasa room 306 M-Ma'am.." medyo nautal pa si Wendy dahil hindi siya sanay na tawaging Ma'am si EJ imbis na Doc.

Tumango naman si EJ at naglakad na sila papunta sa elevator.

Nasa pangatlong palapag ang room ni Shakes. Nanatiling tahimik silang dalawa ng huminto ang elevator sa pangalawang palapag.

Unti unting bumukas ang pinto at tila hindi na nagulat si EJ dahil sa nakita nya si Lanisha.

Nagulat si Lanisha nang makita si EJ tila nanumbalik ang kasamaang ginawa nya dito. "Sasakay ka ba?" naibalik nya ang sarili ng magsalita si EJ.

Sumakay na sya kaagad sa elevator. Inaasahan na ni EJ na magkikita sila ni Lanisha kahit malaki ang ospital ay hindi nila maiiwasang magkita.

Nang bumukas ang pinto ay lumabas na si EJ at Kimber. Bago sumara ang pinto ay binigyan ng malamig na tingin ni EJ si Lanisha.

Tila nagulat pa si Lanisha dahil parang kakaiba ang nakita niya sa mga mata neto, hindi nya ito nakilala parang may nag-iba.

Napakunot nalang ng noo si Kimber dahil sa matalim na tingin ni EJ.

Lumakad silang dalawa, nang makarating sila ay hindi na nag-atubiling na tumigil si EJ at pumasok na kaagad sa kwarto ni Shakes.

Naabutan nilang nagbabasa ng libro si Shakes. Tila nanlaki pa ang mata ni Kimber dahil sa matagal nya ng hindi nakikita ang mukhang yun.

"Doc Emerald.." tawag ni Shakes at binaba kaagad ang libro. Napangisi naman si EJ dahil dun.

"It's not Emerald....it's EJ.." tila nagulat pa si Shakea dahil sa sinabi ni EJ. Nadako bigla ang kanyang tingin sa babaeng nasa likod ni EJ na ikinakunot nya ng noo.

"So how's your legs?" tanong ni EJ, hindi maialis ni Shakes ang tingin nya kay Kimber at tila naka-lock ang tingin neto sa kanya.

Napakunot ang noo ni EJ at sinundan ang tinitignan ni Shakes. Nakita nyang si Kimber ang tinitignan neto at parang napangisi pa sya.


"Did you know each other?"

"No/Yes" sabay na sabi ni Kimber at Shakes, mas lalong lumaki ang ngisi ni EJ dahil sa dalawa.


"A-Anong ginagawa mo dito?" pag-iiba ni Shakes sa topic, iniwas kaagad ni Kimber ang kanyang tingin at idinako kay EJ.


"May itatanong lang ako sayo..." malamig na usal ni EJ habang nakatingin ng diretso kay Shakes.







"Kasapi ka ba ng L Gang?" tila naging statwa si Shakes dahil sa tanong ni EJ, hindi nya aakalain na itatanong ito sa kanya.


"Nakita kita noon, pumunta ka sa quarters nila..."

"Kasapi ka ba ni-"

"Yes" tila nagulat si Kimber dahil sa sinabi ni Shakes. Napasinghap naman si EJ dahil sa pag-amin neto.


Unti unting lumapit si EJ kay Shakes "Alam mo ba kung saan nagtatago si Cosmo?" malamig na tanong ni EJ na halos ikakaba ni Shakes.


"M-Matagal ko nang pinutol ang ugnayan ko sa kanila...a-at hindi ko alam kung nasaan na sya ngayon.." nakita ni EJ sa mga mata ni Shakes na hindi ito nag-sisinungaling.


Tumayo ito ng maayos at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket nya.


Hindi na nagawang makapag-paalam ni EJ, sumunod nalang sa kanya si Kimber ngunit nagawa pang lingunin neto si Shakes.


Nagtama ang paningin ni Shakes at Kimber at tila bumilis ang tibok ng puso nila sa isa't isa.


"Kimber..." agad na idinako ni Kimber ang kanyang tingin kay EJ na kasalukuyang nakatalikod sa kanya.


"Alam mo ba kung nasan si Jacob?" oo, hindi na nila nakita si Jacob ilang taon na kaya hindi inaasahan ni Kimber na tatanungin ni EJ ang tungkol dun.


"Hindi na namin sya nakita simula nang burol mo..." tumango naman si EJ dahil sa sinabi ni Kimber.


"Then let me find him.." napaangat ng ulo si Kimber dahil sa sinabi ni EJ.


"He will help me to find Cosmo..."







END OF THE CHAPTER

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon