Nasa kwarto ngayon si EJ ngayon inaayos nya ang mga papeles para sa papasukan nyang hospital. Sa Pure Mistical sya magtratrabaho kung saan kalaban iyon ng Santa Catalina.
Inilagay nya sa iisang folder ang kanyang mga papeles. Pumunta si EJ sa kanyang aparador at pumili ng damit, kinuha nya ang puting polo kasama ng skyblue pants, kinuha nya ang dilaw nyang sapatos na may takong.
Dumiretso sya sa cr upang maligo na.
Nasa opisina ngayon si Gian, pero parang wala akong utak nya sa opisina kung hindi na kay EJ.
Inaalala nya kung nasaan ba si EJ, inaalala nya kung anong ginagawa neto. Kinuha ni Gian ang phone nya at may tinawagan.
Nakailang ring lang ang phone ng marinig nya ang boses ng isang lalaki "Hello?"
Napahinga naman ng malalim si Gian "I need you to do something..."
Alam ni Gian na gagawin nya ang tama para sa ikakaligtas ni EJ. Kinuha nya ang isang bagay na nasa ilalim nang patago nyang drawer.
Ngayon nya nalang ito gagamitin kapag may nangyareng masama kay EJ.
Hawak hawak nya ang isang baril...
Ito ang gagamitin nya para mapatay si Cosmo, ipaghihiganti nya kung anong kahayupang ginawa nya kay EJ.
Samantala ay nasa ospital na si EJ at unang pasok nya palang ay pinagtitinginan na sya ng mga nurse.
Napatingin naman si Maximo sa pumasok na si EJ, napakunot ang noo neto ng makita si EJ. Lumapit ito kay EJ.
"What are you doing here Doc Emerald?"tanong ni Maximo habang nakabulsa ang dalawang kamay sa suit netong suot.
Iniwagayway naman ni EJ ang isang folder. Unti unting nanlaki ang mata ni Maximo "D-Dito ka na magtratrabaho?" medyo nauutal na sabi ni Maximo.
Tumango naman si EJ bilang sagot unti unti namang tumango si Maximo "By the way, just call me EJ.."
Naalala ni Maximo ang sinabi sa kanya ni Gian na tinanggalan ng alaala si EJ which is mali.
"Mag-kaano ano ba kayo ni Gian-"
"He's my everything.." natigilan si Maximo dahil dun napahawak sya sa kanyang bibig dahil sa gulat.
Napatingin naman si EJ, ngumisi ito kay Maximo na tila gulat na gulat pa sa sinabi neto "K-Kayo na ba?" tanong ni Maximo.
"I told you already he's my everything.." nakangising sabi ni EJ na ikinalaglag ng panga ni Maximo. Nakangising naglakad papunta sa office si EJ para ibigay ang kanyang mga papeles.
Natapos ang pag-uusap nila ni Producer Kim. Makakapagsimula na siya sa susunod na linggo.
Nakasalubong ni EJ ang mga ilang nurse at ningitian naman nya ang mga yun. Lumabas si EJ sa hospital at lumakad kung nasaan ang kanyang sasakyan.
Lumapit sya sa kanyang kotse, bubuksan na sana nya ang pinto ng may tumakip sa kanyang ilong ng panyo.
May matapang na amoy ito, pinipigilang pumiglas ni EJ ngunit masyadong malakas ang lalaki para makatakas sa kanya.
Unti unti nang nanlabo ang mga mata ni EJ, alam nyang hindi sya pwedeng matulog dahil alam nyang kukunin sya ng mga ito ngunit masyado talagang matapang ang amoy na ikinadilim na ng kanyang mga mata.
Kasama ngayon ni Heather ang kanyang ina. Maghahahain ito ng tanghalin "Teka asan na ba si Heaven?" tanong ni Lilia sa kapatid neto.
"Nasa Pure Mistical Mom, nag-apply.." napatango naman si Lilia dahil dun. Kukunin nya sana ang baso nasa tabi neto ngunit bigla..
CRACK!!!
Agad na napatingin si Heather at nakita nyang nabasag ang larawan ni EJ. Tila bumilis ang tibok ng puso ni Lilia dahil dun.
Naniniwala sya sa pamahiing kapag may nabasag na larawan ay may masamang mangyayare. Tinignan nya ang kanyang anak at tila alam nya na ang iniisip neto.
Kinakabahan si Leille dahil bigla nyang naiisip si EJ, sana naman ay mali ang kutob nya.
Paalis na si Gian sa kanyang opisina, naalala nya kaagad si EJ kaya agad nyang kinuha ang phone.
Tinawagan nya ito ngunit naka-off ang phone neto na ikinakunot ng noo ni Gian dahil hindi naman pinapatay ni EJ ang phone nya.
Dumiretso sa building ni Lianna at Kimber. Nandun si DA "Nandito ba si EJ?" tanong ni Gian na ikinakunot ng noo nilang tatlo.
"Wala sya dito...bakit?" tanong ni Kimber na itinigil ang pagpipirma ng ibang mga papeles na nakalapag sa kanyang lamesa.
"Ahh hindi ko kasi siya matawagan.." napatango naman si Kimber dahil dun.
Biglang tumunog ang phone ni Gian at nakita nyang si Lilia ito ang nanay ni EJ.
"Hello Tita?"
"Hello Gian, are you with Heaven?"
Napakunot naman ang noo ni Gian "Hindi po Tita bakit?" napakunot naman ang noo ng tatlo.
"A-Ahh hindi nya kasi sinasagot ang mga tawag ko baka kasama mo sya..."
Mas lalong kumunot ang noo ni Gian dahil dun. Pinatay nya na ang tawag kay Lilia "Hindi rin daw matawagan ni Tita si EJ"
"Call Jacob.." sabi ni Gian kay DA, walang nalang nagawa si DA at hindi na nagtanong.
Nagtataka si Gian kung bakit walang sumasagot sa phone ni EJ.
Biglang namang tumunog ang kanyang phone, agad nyang tinignan kung sino ang pangalang nakarihistro at nakita nya ang pangalan ni EJ.
Agad nyang sinagot yun.
"Nasan-"
"Hello Gian,Ahahaha!" tila naging statwa si Gian dahil sa boses na narinig nya. Sana naman mali ang kutob nya.
"Did you miss me?" sabi ng lalaking nasa kabilang linya na hawak hawak ang phone ngayon ni EJ.
"C-Cosmo..."
END OF THE CHAPTER
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AzioneCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?