-CHAPTER THIRTEEN-
HEAVEN'S POV
'I missed you Almira.......Hindi ko alam kung bakit kailangan mong mamatay sa ganung edad, masyado ka pang bata para mamatay'
Bigla nalang nagsipatakan ang mga luha ko, nagulat ako dahil sa hindi ko alam kung anong emosyon ang meron ko ngayon.
Pupunasan ko na sana ito ng may panyong humagip sa harap ko. Malamig na tinignan ko kung sino ang may-ari. Si DA ang may-ari ng panyo. Hindi ko kinuha ang panyo niya at pinunasan kaagad ang mga luha ko.
"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kanya, walang ekspresyon ang mukha niyang tinitignan ako.
"Hindi mo namang kailangan isarili yan.." walang ekspresyon niyang sabi sa akin. Malamig ko siyang tinignan at napayuko.
Tumingin naman ako ng diretso sa kanya "Minsan kailangan mong isarili yung lungkot para hindi ka nila sabihan ng mahina.. o lampa" malungkot ang ekspresyon na ibinigay ko sa kanya. "Kaya kong resolbahin ang sakit kahit ako lang mag-isa" malungkot na mga mata ang binigay ko sa kanya.
"Pero hindi sa lahat ng oras sinasarili mo yung sakit dapat may karamay ka"
"Karamay? Wala sa bokabularyo ko ang karamay DA.." sarkastiko kong sabi sa kanya, nawala ang kunot sa kanyang noo, suminghap naman ako "Dahil lahat ng nagiging karamay nagiging TRAYDOR rin.." diin na sabi ko sa kanya, tinalikuran ko na siya at nag-lakad palayo.
'Karamay-Kapag nalaman na nila ang kahinaan mo pag-tataksilan ka nila'
***
"O bakit parang maga yang mata mo?" tanong sa akin ni Kimber habang tinuturo ang mata ko "Parang nga lang diba Kimber, PARANG lang" malamig na sabi ko naman sa kanya na ikinanguso niya. Ngumisi nalang ako sa kanya, pumasok na kami sa loob ng classroom, bigla naman kaming hinarangan ni Kaylee.
Napakunot naman kami dahil sa biglang pagharang niya sa amin "Anong problema?" kunot-noo ang tanong ni Kimber kay Kaylee.
"Inagaw mo ang girlfriend ko, hayop ka!!!"
"Ayaw na sayo ni Mitch, kaya hindi ko siya inagawa sayo!!"
Pumasok naman kaming dalawa dahil sa malakas na sigawan sa loob ng classroom, nakita namin na nakapalibot lahat ng mga kaklase namin at tanging si Santino at si Xyrus at nasa gitna. Nang nasa harap na kaming dalawa ay nakita ko na nagsisigawan parin sila.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AcciónCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?