Chapter 130

4.9K 78 3
                                    


Nagmamaneho parin si Gian at hindi maiwasang mag-alala ni EJ. Gusto nyang tanggalin ang sakit na nararamdaman ni Gian.


Ngunit paano nya gagawin yun? Huminto ang sasakyan at tila alam na ni EJ na hindi parin maialis ni Gian sa kanyang isipan ang kasinungalingang itinago ni Hazel at ang kanyang ama.


Hinawakan naman ni EJ ang kamay ni Gian na ikinatingin neto. Nakita ni EJ ang sakit sa mga mata ni Gian dahil sa pangungulila sa sariling ama.


Nakipag-hiwalay si Anton para makasama kay Carmen at para iwan ang ina ni Gian at DA.


Tumulo ang mga luha kay Gian na dahilan para yakapin ng mahigpit ni EJ si Gian.


Sana naman sa pamamagitan neto ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Gian.


"Nandito lang ako para samahan ka sa lungkot.." sabi ni EJ na mas lalong ikinaiyak ni Gian.


Hinimas himas ni EJ ang likod ni Gian para damayan ito. Hindi nya inaasahan na ganito pala ang pangungulila ni Gian sa kanyang ama.


Parehas sila ni EJ, ngunit iba ang tumatayong ama ni EJ kaya gusto nyang damayan ito sa kabila ng sakit na nararamdaman neto.










Napunta ang dalawa sa isang malawak na lawa. Tanging buwan ang nagiging liwanag sa lawa kasama ng mga bituin.


Umupo sila sa madamong lupa, tinignan naman ni Gian ang buwan at tila inaalala nila ang pagsasama ng hindi nilang kumpletong pamilya.


"Makikinig ako..." nadako ang tingin ni Gian kay EJ na kasalukuyang nakatingin sa bilog na buwan.


"Sabihin mo sa akin ang sakit at handa akong makinig.." nadako na ang tingin ni Ej kay Gian.


Napasinghap nalang si Gian at tumingin ng diretso kay EJ "Pwede bang humingi ng isang yakap?" usal ni Gian.


Gumalaw ang kamay ni EJ at niyakap si Gian sa ganun ay mabawasan ang sakit na nararamdaman neto.


Hihiwalay na sana si EJ ngunit pinigilan sya ni Gian "Stay still" parang naging robot si EJ at sumumod sa sinabi ni Gian.


"10 years old palang kami ni DA nang iwan na kami ni Dad.." sinimulan na ni Gian ang kwento tungkol sa kanyang nakaraan.


"Nagkulong si Mommy sa kanyang kwarto na dahilan ng depression nya dahil sa pag-iwan sa kanya ni Daddy.." mas lalong nahigpitan ni EJ ang hawak sa damit ni Gian dahil parang naiisip nya ang sinapit ng kanyang ina at nilang magkapatid.


"Buti nalang at nandyan si Lolo at Lola para tulungan kami.."


"Si DA ay laging hinahanap si Daddy pero lagi kong sinasabi sa kanya na iniwan nya na kami..." naramdaman ni EJ sa kanyang balikat ang likido na galing sa mga mata ni Gian.


"Minsan napapapunta si Mommy sa school dahil sa pang-bubully sa amin dahil sa iniwan kami ni Daddy..."


"May iba na syang pamilya na dahilan kung bakit namin sya kinagalitan ni DA" nakinig lang si EJ.


"Dahil walang ama na iiwan ang kanyang anak"


"Kinamumuhian ko sya..." sabi ni Gian na hindi narin maialis ang galit.


"Kung sana matatanggal ko lang ang dugo nya sa katawan ko ay matagal ko nang ginawa para hindi ko sya ituring na ama--"


"Don't be like that to your father Gian.." malamig na sabi ni EJ.


"Kahit anong gawin mo tatay mo parin sya.."


"Wag mo syang kagalitan Gian...please.."


"Mawawala rin ang sakit Gian..."


"At andito ako para samahan ka sa sakit na nararamdaman mo..."


Narinig ni EJang paghikbi ni Gian, sana kinabukasan ay mawala na ang sakit na nararamdaman ni Gian.


Sana may gamot para mawala ang sakit na nararamdaman ni Gian at tila pag-gising nya ay wala na sa kanyang puso ang galit at sakit.


Sinamahan ni EJ si Gian at inalalayan ito, sa pamamagitan ng pagiging masaya ay may kapalit na lungkot at sakit.


'I'll be with you Gian...please hush..'







END OF THE CHAPTER

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon