CHAPTER ONE HUNDRED THREE
Samantala ay nasa veranda lang si Emerald at nakaupo habang tinitignan ang dagat.
Mas narerelax ang katawan nya kapag nakakakita sya ng magandang tanawin. Biglang tumunog ang phone nya at nakita nyang si Hexxon ang tunatawag.
"Hello hon.."
"Hello hon kamusta ka sa dyan?"
"Okay naman ako, as usual maganda parin yung resort ni Tita" nakangiting sabi ni Emerald sa kabilang linya.
"Don't worry kapag nakauwi na ako babalik ulit tayo dyan, okay"
Parang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ni Emerald na hindi nya maintindihan kung ano.
"O-Okay, promise yan ah.." nakangiti nyang sabi dito. Binaba na ni Emerald ang phone nya at muling tinignan ang dagat.
"Almira!" agad na napatingin si Emerald sa isang batang babae na hinahabol ng yaya niya.
Napakunot ang noo ni Emerald dahil dun, tinignan nya lang ang batang babae na patuloy parin na tumatakbo.
"Almira..." biglang lumakas ang hangin na mas lalong ikinakunot nya ng noo.
Hindi nya alam kung bakit parang may butas sa kanyang puso at parang naninikip ito.
Napasinghap nalang si Emerald dahil dun, ayaw nyang may maisip ngayon dahil hanggang ngayon ay nasa isip parin nya ang bangungot nya kahapon.
May isang babae na naglalakad sa dalampasigan, hinang hina ito at parang lantang gulay na ito dahil sa kulay ng kanyang katawan.
Sa paglalakad nya ay bigla nalang siyang natumba. Nakita ni Emerald ang pagtumba ng babae, napatayo sya at agad na bumaba sa veranda.
Tumakbo ito papunta sa babaeng nahimatay. "Miss, Miss!" inaalog alog nya ito ngunit hindi ito nagigising.
Nang iharap nya ito ay nanlaki ang mata nya. Nauubusan na ito ng dugo dahil sa saksak na natamo neto.
Nanlaki ang mata ni Emerald dahil dun, tumingin sya sa paligid at nakita nya si Gian.
Agad siyang tumakbo papunta dito "Gian.." sabi neto, pawis na pawis na ang mukha niya na ikinakunot ng noo ni Gian.
"Tulungan mo ako, y-yung babae may saksak" nanlaki ang mata ni Gian dun. Agad na tumakbo ito sa babae, sumunod naman si Emerald sa kanya.
Binuhat nya ang babae na halos putlang putla na dahil sa nawalang dugo neto.
"Dito" sabi ni Emerald at pinasok ni Gian sa bahay ang babae, inilapag nya ito sa kama.
"Ako na ang bahala sa kanya" kinuha kaagad ni Emerald ang emergency kit nya, nakatingin lang sa kanya si Gian.
Ilang minutong nasa labas ng kwarto si Gian, nagtataka sya kung anong nangyare at biglang sumulpot sa harap nya si Emerald.
Biglang bumukas ang pinto, agad syang napatingin dito at nakita nya si Emerald na may mantsa ng dugo sa damit neto.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
ActionCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?