Umuwi si Emerald gamit ang kotse nya, kaya nya naman ang sarili nya kahit hindi sya sunduin ni Hexxon ang magagawa nyang makauwi. Nakarating sya sa bahay at nakita nyang bukas ang gate na ibigsabihin ay nasa loob na ang kanyang fiance.
Pagkapasok nya ay tinaggal nya ang sapatos neto para magpalit ng malambot na tsinelas. Nang ilagay ni Emerald sapatos neto ay nadako ang tingin nya sa isang sapatos na hindi naman nya pagmamayari.
Kulay dilaw ito na may mataas na takong, hindi maiwasan ni Emerald ang kuryosidad sa isip nya, agad syang tumayo at pumunta ng sala. Bumungad sa kanya si Hexxon na nakaupo sa sofa na may kausap na babae.
Hindi maiwasang magtaka ni Emerald dahil sa hindi nya kilala ang babaeng kausap ni Hexxon, seryoso ang usapan nila kaya, sa lahat ng mga kaibigan ni Hexxon ay ito lang ang hindi kilala ni Emerald.
"Hon.." naibalik ni Emerald ang isipan sa reyalidad ng tawagin sya ni Hexxon, napatingin naman ang babaeng kausap neto.
Dinako ni Emerald ang tingin nya sa babae, hindi nya alam pero kinukutuban sya sa mga mata neto na para bang may nakatagong lihim.
"U-Uh she is Andrea, my friend" pagpapakilala ni Hexxon kay Andrea ng maramdaman ni Hexxon ang tingin ni Emerald kay Andrea.
Alam ni Hexxon na parang nanghihinala si Emerald, mabilis itong manghinala sa mga taong nasa paligid nya maliban kay Hexxon, may tiwala si Emerald kay Hexxon, hindi mo magagawang mag-sinungaling sa taong mahal mo.
"Nice to meet you Andrea, I'm Emerald.." medyo pilit na ngiting sabi ni Emerald sa kanya, yumuko naman bilang pag-galang si Andrea.
"Aakyat na ako.." malamig na sabi ni Emerald, paakyat na sana itong ng magsalita si Hexxon.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ni Hexxon sa kanya, agad na dinako ni Emerald ang tingin nya rito "Hindi na, kumain na ako sa hospital.." ang totoo ay hindi kumain si Emerald ng lunch at dinner, gusto nya lang na magpahinga.
Hindi naman sa iniiwasan nya si Hexxon, hanggang ngayon ay may away parin ang dalawa, sa isip isip ni Emerald ay sana naman ay hindi nalang sila umalis ni Hexxon sa Pilipinas at dito nalang manirahan.
Umakyat si Emerald sa kwarto nya, binuksan nya ang ilaw. Hinagis ni Emerald ang kanyang sarili sa kama at napasinghap.
Samantala ay nakatingin lang si Hexxon sa pinto ng kwarto ni Emerald, "Madaming nagbago sa kanya.." nadako ang tingin nya kay Andrea.
"Hanggang kailan mo ba itatago Hexxon?" napakunot ang noo ni Hexxon ng itanong ni Andrea ang tungkol sa pagkawala ng alaala ni Emerald.
"Hindi mo ba alam na kapag nalaman nya eh masasaktan mo sya?" napasinghap sya dahil sa sinabi ni Andrea, alam nyang masasaktan si Emerald kapag nalaman nya, pero masama bang mahalin ka pabalik ng taong mahal mo?
"Hindi sya masasaktan kung walang magsasalita Andrea.." unti unti nyang inangat ang kanyang ulo at makahulugang tumingin kay Andrea.
"So please... You can go anywhere dun sa hindi ka mahahanap nila Gian at Vanessa..." napakunot si Andrea dahil sa sinabi ni Hexxon, hindi sya makapaniwala sa sinabi neto.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AcciónCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?