Chapter 107

5.1K 100 4
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED SEVEN

Kaya sa maagang pag-uwi ay mas pinili nalang na pumasok ni Emerald.

Binati sya ng mga ilang nurse sa ospital, nakasalubong nya naman ang producer, ngumiti lang ito sa kanya.

Hindi nya inaasahan ang biglang pag-bunggo sa kanya ni Lanisha "Tss, bumalik ka pa?" mataray na tanong ni Lanisha.

Hinarap naman ni Emerald si Lanisha "Kita mo namang nandito ako diba, wag kang bulag tss" nakangising umalis si Emerald dahil nagawa nyang inisin si Lanisha.

Samantala ay napangiwi nalang si Lanisha dahil sa inasta ni Emerald, hindi nya alam na may ibubuga pala ito.

Agad na chineck ni Emerald ang mga pasyente neto, huli nyang pupuntahan ang kwarto ni Mr. Antipuesto.

"Doc.." tawag sa kanya ng matandang lalaki, nakangiti namang pumasok si Emerald.

"Ang daya mo hija, ilang araw kang wala ah.." nag-tatampo ang matanda dahil sa hindi si Emerald ang nag-check sa kanya.

"Dalawang araw lang ho ako nawala.." nakangiting sabi ni Emerald dito.

Chineck ni Emerald ang mata ng matanda, napangiti ito dahil sa may maganda itong balita.

"Good news ho.."

"Okay na ho ang mga mata nyo" nakangiting sabi ni Emerald sa matanda.

"T-Talaga?" medyo nauutal natanong ng matanda, tumango namang nakangiti si Emerald.

Dahil dun ay natuwa ang matanda, hindi nya inaasahan na makakaligtas sya sa sakit nya.

"Thank you Doc..." nakangiting nagpapasalamat ang matanda dahil dun.

Biglang bumukas ang pinto at biglang bumungad ang isang babae, "Oh Bella..." sabi ng matanda sa babae.

"Xylene.." bumungad din ang isang babae na parang kasing edad lang ni Emerald.

"Buti't napadalaw kayo... may maganda akong balita sa inyo..." nakangiting sabi ng matanda sa kanyang asawa at anak.

Humarap naman si Emerald, nanlaki ang mata ni Xylene sa nakita na dahilan ng pag-kalaglag ng bag nya.

"Xylene.." tawag ng nanay nya sa kanya dahil sa inasta neto.

"M-Magaling na ho si Mr. Antipuesto, okay narin ho ang mata nya..." medyo nauutal na sabi ni Emerald. Napangiti naman ang nanay ni Xylene.

"Thank you Doc sa pag-alaga sa asawa ko..." sabi ng matanda babae, nakatingin parin si Xylene kay Emerald, hindi akalain na buhay ito.

"Pwede na ho syang umuwi bukas" nakangiting sabi ni Emerald sa kanila.

"Sige ho mauna na ako..." ngumiti si Emerald sa matanda pati sa pamilya neto atsaka lumabas ng kwarto.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon