Kakagising lang ni EJ sa kanyang pagkakatulog, tanging liwanag ng buwan ang nagiging ilaw sa madilim nyang kwarto at sa madilim nyang buhay.
Tinignan nya ang nakabukas na bintana na nakikita ang malaking buwan, tila parang nakikita nya ang repleksyon ng mukha ni Seth sa kalangitan na punong puno ng mga bituin.
Nakikita nya ang ngiti ni Seth na nakikita nya sa kalangitan, mga ngiting hindi nya na makikita. Iniwas nalang ni EJ ang kanyang tingin na kasabay ng likidong tumulo sa kanyang pisngi, lumabas sya ng kanyang kwarto.
Nakita nya ang nakahigang si Gian sa sofa, napatigil sya sa gitna ng hagdan at tinignan sa malayo ang mukha ni Gian. Nagtataka si EJ kung bakit hindi pa ito umuuwi at mas piniling dumito muna.
Bumaba sya ng hagdan ang lumapit sa natutulog na si Gian, tila nagdadalawang isip pa ito kung gigisingin nya ba ito o hindi. Tinignan nya ang maamong mukha ni Gian at tila parang may tumutusok sa kanyang puso na hindi nya maintindihan kung ano yun.
Unti unting minulat ni Gian ang kanyang mga mata at tumambad ang mukha ni EJ sa kanya na tila wala itong reaksyon. Tinignan nya lang ito sa mata at tila parang nakakakita sya ng sakit, isang parte nanaman ang nadurog sa kanyang puso dahil ang alam nya si Seth ang dahilan ng sakit neto.
Ilang segundo silang nagtitigan, halos hindi maiiwas ni EJ ang kanyang tingin na ikinatataka nya ganun din si Gian. Bigla tumama ang liwanag sa mukha ni EJ na nang-gagaling sa malaking bintana.
Pinilit na iniwas ni EJ ang kanyang tingin at tumayo "Why are you not leaving yet?" malamig ang tono ni EJ nang itanong nya yun kay Gian, umupo naman ng maayos si Gian "A-Ahh umh.." malamig nya lang tinignan si Gian.
"Anong gusto mong kainin, ipaghahain kita" napaangat ang ulo ni Gian dahil sa tanong ni EJ at tumambad sa kanya ang walang ekspresyon ni EJ na tila nakikita nya ang nakaraan dahil sa ekspresyon neto.
"K-Kahit ano nalang.." dumiretso si EJ sa kusina at si Gian ay parnag tila nainitan ito.
Lumabas si EJ ng kusina "Dinner is ready" sabi ni EJ na ikinatayo ni Gian, tila hindi sya kumportable sa inaasta ni EJ, pumasok sa dining room ang dalawa. Bumungad kay Gian ang iba't ibang pagkain na niluto ni EJ.
Sa isip isip ni Gian ay kailan pa sya natutong mag-luto, sabay silang umupo at nagsimulang kumain.
Tanging kubyertos lang ang nag-iingay sa hapag-kainan. Hindi rin magawang makapagsalita ni Gian dahil hindi sya kumportable sa bagong EJ ngayon.
Mabilis na natapos ang dalawa, kinuha na ni Gian ang kanyang susi sa kanyang bulsa. Biglang bumuhos ang malakas na ulan na ikinatingala ni Gian sa bintana na malaki, halos hindi na nya makita ang labas dahil sa lakas ng ulan.
Lumabas naman si EJ ng kusina at tinignan ang malakas na ulan, nakita nyang hawak hawak na ni Gian ang kanyang susi para makauwi na ito. Napasinghap sya at nilapitan si Gian "Magpalipas ka muna ng gabi dito"
Napatingin si Gian sa kanyang likod dahil sa sinabi ni EJ "Delikadong umalis ng ganyan kalakas ang ulan.." walang ekspresyong sabi ni EJ.
"A-Ah hi--"
"Just do what I said Gian, it's for your own safety" dahil dun ay natauhan si Gian at unti unting tumango nalang kay EJ.
"Ituturo ko sayo ang tutulugan mo.." sumunod naman si Gian kay EJ at umakyat pataas ang dalawa.
Samantala ay nakahiga si Gian sa kama na tutulugan nya, guest room. Hindi nya alam kung bakit hindi sya mapakali sa kinalalagyan nya.
Tumila ang ulan at nakita nanaman ni Gian ang buwan, tila nakaramdam ng uhaw si Gian kaya lumabas ito ng kwarto nya, at nakita nyang madilim ang lakaran. Napatingin sya sa kanan nya at nakita nya ang bukas na pinto na sa labas neto ay isang veranda.
Napakunot ang noo ni Gian dahil naabutan nya itong nakasara kanina ng umakyat sila ni EJ, unti unti nyang nilakad ang kanyang mga paa hanggang sa makarating sya sa tapat ng pinto. Sumalubong ang malakas na hangin.
Nagtaka sya kung bakit may mga paa sa upuan, unti unti nyang sinilip yun at nakita nya ang natutulog na si EJ. Unti unti syang lumapit at nakita nya ang isang bote ng alak na nasa lapag, tila nadurog ang puso ni Gian dahil dun.
Nakatulog si EJ dahil sa hangin na dumadapo sa kanyang katawan, tinignan muli ni Gian ang mukha ni EJ. Sinasamantala nya na ang gabi na ito para tignan ang mala-anghel na mukha ni EJ.
Unti unting lumapit ang mukha ni Gian at hinalikan ang noo ni EJ "Please don't hurt yourself..." sabi nya habang hinimas himas ang pisngi ni EJ.
Binuhat ni Gian si EJ papunta sa kwarto neto, unti unti nya itong hiniga si EJ sa kama neto. Tumatama ang liwanag ng buwan sa mukha ni EJ na ikinangiti ni Gian. Binaba nya ang kanyang tingin sa labi ni Gian.
Nilapit nya ang kanyang labi at dumampi yun sa labi ni EJ na mahimbing natutulog. Hiniwalay kaagad ni Gian ang kanyang labi.
"I hope you will come back to what you are.." usal ni Gian, unti unti syang umalis ng kwarto ni EJ at dumiretso sa kanyang kwarto.
END OF CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AksiCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?