CHAPTER NINEHEAVEN'S POV
'Hindi mo naman kasalanan pero inaako mo..'
Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung mga sinasabi ko pero totoo yun. Hindi niya kasalanan yun pero inaako niya, Tss.
Kinuha ko nalang ang earpiece ko at inaccess ang earpiece ni Jacob. "Jacob..." sabi ko habang hawak ang earpiece na nakasuot sa tenga ko.
"Yes Miss K?" tanong ni Jacob sa akin habang suot ang earpiece niya. "Find out who is the leader of L Gang and report it to me immediately" malamig na sabi ko habang ginagawa ang homework ko. "Yes Miss K, I'll send all the information tomorrow" sabi niya sa akin.
"No, just give it to me tomorrow at the quarters" sabi ko at nilagay na sa bag ang mga notebooks at libro ko. "Okay Miss K" tinanggal ko na ang earpiece ko at nilagay ito sa drawer.
'Makakaharap rin kita...'
***
Ganun parin ang routine ko. Suotin ang makapal kong salamin at maglagay ng pekeng bangs at nunal. Bumaba na ako at nakita ko na kumakain silang tatlo. Hindi nalang nila ako pinansin dahil alam naman nila na hindi ako kakain.
"Acura,open" bumukas naman ang pinto neto. Dali dali kong pinaharurot ang kotse ko at ilang minuto ay nasa school na ako. Pagkapark ko ay nakita ko nanaman si DA daga na parang may hinihintay.
Bumaba nalang ako at hindi man lang ito balak lingunan, wala ako sa mood para makipagbangayan sa kanya. Tss, isipbata. Pumunta na ako sa classroom ko at nakita ko si Kimber na may kausap sa phone. Hindi ko nalang ito pinansin at umupo na sa upuan ko. Biology ang subject, terror prof kapag hindi ka nakasagot eh papatayuin ka. Tss.
"Okay class!! Siguro naman kabisado niyo ang table of elements!!" sigaw ng terror prof namin na halos mapunit na ang bibig dahil sa kakasigaw. Hindi ba siya napapaos dahil sa araw-araw na pagsigaw nya? Tsk.
"Give me 10 examples of elements and give the atomic weight of it!!" sigaw ng terror prof. Wala ni isang nagtaas ng kamay.
"What?!! Walang may kabisado ng table of elements?!!!" gigil na sigaw ng prof dahil sa walang nagtaas ng kamay. Walang ni isang nakakaalam.
"You, Miss Ilacad since your a valedictorian in highschool, give 10 examples of elements and give the atomic weight of it!" sabi ng prof kay Angelica na tinuring na pinakamatalino sa section A1, mas matalino siya sa akin.
"Sorry sir pero hindi ko po kabisa--"
"What?!! Tinuturingan kang valedictorian tapos hindi mo kabisado ang table of elements!!" napahiya naman si Angelica dun kaya nakaramdam ako ng kauting awa pero binalewala ko lang ito.
"Ikaw Miss Dela Quinto?!" napatingin naman ako sa prof na halos magsilakihan na ang sungay dahil sa galit. "Ano hindi mo din--"
Tumayo naman ako at napakunot naman siya. Tss, patayin ko to eh! Suminghap muna ako at sinagot ito.
"H for Hydrogen the atomic weight is 1.0079.....He for Helium the atomic weight is 4.0026.....Li for Lithium the atomic weight is 6.941.....Be for Beryllium the atomic weight is 9.0122.....B for Boron the atomic weight is 10.811-" napahinto naman ako dahil sa bulungang nagsisimula. Naging pula naman ang mukha ni sir Ronan "Quiet!!!" napatigil naman ang lahat dahil sa biglang pag-sigaw ni Sir. Tumingin naman ito sa akin at dumiretso sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
حركة (أكشن)Completed||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?